Chapter 11

454 40 1
                                    

KAORI POV

Nagising ako ng madaling araw sa ingay ng phone ko..

Calling Jelay 💕....

Chineck ko ang oras bago ito sagotin.
2:13am

"Hello?"

"Kaori?" si Aljon ito. Isang beses pa lang kami nagkausap pero alam ko na tono ng boses nya.

"Bakit?"

"Pasensya na sa bala pero pwede mo ba kaming puntahan sa Chill Bar Club ngayon?" rinig ko ang ingay sa background kaya alam kong nasa Bar nga sila

"Bakit? Anong nangyari kay Jelay?"

"Dito ko na ipapaliwanag. Punta ka na dito please." sa sinabi ni Aljon ay nagmadali akong puntahan si Jelay.

Ano na naman bang ginawa nito..

Pagpasok ko sa Bar na sinabi ni Aljon ay hinanap agad ng mata ko si Jelay.

"Ayuko nga sabi! Dito lang ako." napalingon ako sa boses na pinanggalingan nun kaya agad ako lumapit.

"Jelay??" tumingin sya sakin pero halatang mapungay na ang kanyang mata.

"Imposible. Dinadaya ako ng mata ko" lasing na sabi nya

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko kay Aljon. Andito rin pala si Kyzha at may isang babae pa. Siguro sya si Angela.

"Ayaw umuwi kung hindi daw ikaw susundo." sagot ni Aljon sakin

"Jelay, uwi na tayo.." kausap ko dito at mabilis naman syang tumango tango.

Sinubukan kong akayin si Jelay pero malaki sya kaya tinulongan na ako ni Aljon.

"Hatid ko na kayo.." alok ni Aljon at sinakay namin si Jelay sa likod ng kotse nya. Dun na rin ako umupo para maalalayan sya.

Nang maayos ko ang pwesto ni Jelay tsaka ko nilingon si Aljon.

"Anong klaseng boyfriend ka at di mo man lang pinigilan girlfriend mo magpaka lasing ng ganto?!" pagalit ko sa kanya na nakita ko ang kaba at pagkagulo sa muka nya.

"Pinipigilan ko sya pero ayaw nya magpaawat tsaka hindi ko sya girlfriend. Hindi nya ako boyfriend. Mag Bestfriend lang kami ni Jelay." na patawang peke naman ako sa sinabi nya

"Di mo na kailangang magpanggap. Hindi na kami ikakasal ni Jelay at nakita ko kayo nung nakaraan na magkahawak kamag nanunuod ng Sine. Narinig ko rin si Jelay na nag-iloveyou sayo." sa sinabi ko ay sya naman ang tumawa. Halos hindi sya makahinga kakatawa

"Anong nakakatawa?!" kinalma nya naman ang sarili nya at tumigil

"E kasi... Hahaha hindi ko nga girlfriend yan! Hahaha sweet lang talaga kami. Ganon lang talaga kami pero magkaibigan lang kami. Ganon din si Jelay sa iba pa naming kaibigan sa Canada. May pagka clingy talaga sya Hahaha walang kami! Di ko papatolan yan.. Hahaha" patuloy pa rin sya sa pagtawa habang nagugulohan ako.

Tumahimik naman ako kaya maya maya ay nagseryoso na rin sya.

"Nabanggit mo na di na kayo ikakasal? Bakit? Anong nangyari?" tanong nya habang patuloy sa pagmamaneho

"Kinancel ko." casual na sagot ko dito

"Ah. Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Wala wala.. Malapit na tayo sa Condo mo." ibinaba kami ni Aljon sa Condo at nung nasa pinto na kami ay di ko na sya pinapasok. Medyo nakakatayo na rin kasi ang damulag na ito

Bago tuloyan umalis si Aljon ay muli ko syang tinawag

"Hoy!" lumingon naman syang nakangiti sakin. Tsk

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now