Chapter 6

402 35 1
                                    

Madaling araw na ng makarating sa QC si Jelay at Kaori.

"Breakfast na lang natin kausapin si Mommy." suhisyon ni Jelay kay Kaori

"E bakit dito mo ko hinatid sa inyo?" takang tanong ni Kaori

"Cause i'm tired. Susunduin pa kita bukas ng umaga if ever dun kita ihatid. Dito ka na lang matulog. Sanay ka naman ng katabi ako matulog."

"Sa laki ng bahay nyo wala kayong visitors room?"

"Meron pero gusto ko tabi tayo." inaantok na sagot nya tsaka dumiretso umakyat sa taas. Sinundan ko naman sya at papunta pala ito ss kwarto nya.

Pagpasok sa kwarto nya ay namangha ako. Sobrang laki nito! May sarili sala, ref at may Tread mill pa at mga dumbells.

May Grand Piano at Guitar din sa gilid.

Ang kama nya ay Queen Size Bed. Lahat na ata ng kailangan nya andito.

Inaantok syang humiga na sa kama nya. Napagod ata talaga sya.

Sabagay, naghiking kami tapos nagFarm pa. Sya ang nag drive samantalang ako nakatulog naman.

Hindi nya na tinanggal sapatos nya kaya ako na nagtanggal. Pagod na pagod sya.

Pagkatapos kong ayusin ang higa nya ay binuksan ko ang aircon para maging komportable ang tulog nya.

Pinagmasdan ko muna sya habang natutulog.

"Thank you." sabi ko sa kanya kahit alam kong di nya naman maririnig dahil malalim na kanyang paghinga na halata mong mahimbing ng natutulog.

Hinalikan ko sya sa pisnge tsaka ako natulog na din.
----

Pagmulat ng akin mata ay nakaramdam ako ng bigat.
Agad kong tinignan kong saan ito nangagaling.

Napangiti naman ako ng makita kong nakayakap at dantay sakin si Jelay.

Ito lang unang pagkakataon na nagising ako na ganito sya kalapit. Kadalasan ay ang layo ng agwat nya sakin o di kaya'y nakatalikod sya.

Inaantok pa ako tsaka di ako makabangon kaya minabuti kong matulog na lang ulit.

Muli akong nagising sa amoy ng kape.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata.

"Gising ka na pala. Tamang tama, gigisingin na rin kita. Sabi ni Mommy in 30 minutes daw kumain na tayo breakfast. Kaya nagtimpla muna ako ng kape natin." ang bango ng kape.

"Sige. Maghilamos lang ako." after ko maghilamos ay naupo na ako tapat nya.

May coffee table kasi dun sa may balcony nya.

"Napasarap ata tulog mo, nauna ako magising sayo ngayon. Haha" puna nya.

Di kaya, nauna ako.

"Sarap ng kama mo kasi tapos lamig ng aircon." palusot ko na lang

"Gusto mo dito ka na lang? Hehe" ang clingy naman nito

"Wag na. Baka ano pa gawin sakin." biro ko sa kanya

"Bakit ako? Baka ikaw may gawin sakin!" balik nya. Lakas talaga ng hangin nito

Hindi na naman kami nakapag usap ng matino dahil puro na naman kami asaran na dalawa hanggang sa ipatawag na kami for breakfast ni Mommy Shie.

"So, kumusta bakasyon nyo iha?" tanong sakin ni Mommy Shie.

Kapag nasa work nakakatakot ito pero ngayon medyo na lang.

"Ok naman po. Hehe" nahihiya kong sagot

"Di ka ba pinahirapan nitong si Jelay?"

"Medyo lang po Mommy." natatawang sagot ko

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now