Chapter 36

473 29 12
                                    

Mas naunawaan na namin ni Jelay ang isa't isa. Oo, minsan may konting pagtatalo pa rin kami pero di namin hinahayaan na palagpasin ang isang gabi na hindi ito naayos.

Masasabi kong we're having a not so perfect relationship but we're happy and contented.

"Bakit parang ang saya saya mo?" nakangiting tanong sakin ni Jelay na hinapit pa ang bewang ko para mapalapit ako sa kanya at pinagsaklob ang mga kamay sa likod ko.

Ginaya ko rin ang ginawa nya kaya parang magkayakap na kami ngayon.

"Wala lang. Basta dito tayo magdidinner maya ha?" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Oo naman. Anong gusto mong lutuin ko, love?" umiling naman ako sa tanong nya

"Ako na magluluto. Dito lang naman ako sa bahay. Hehe" naka leave ako sa work ngayon dahil yun ang gusto ni Jelay.

We take another level of our relationship and go through in-vitro fertilization kung saan yun ang surprise ko sa kanya mamaya.

We succeeded! I'm pregnant.

"Sure ka? Baka mapagod ka magpahinga ka dapat love." lambing nito na dinala pa ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Napangiti naman ako sa napaka lambing na gesture nya.

"Napaka swerte ko talaga sayo Jelay.. Mahal na mahal mo ko. Simula ng dumating ka sa buhay ko di ko na naramdamang mag-isa ako" nakangiting paglalambing ko rin sa kanya. Syempre, di tayo papatalo. Hehe

"Lalo na kapag dumating na baby natin! Hinding hindi mo na mararanasan mag-isa Love.." mas lalo naman akong napangiti sa sinabi nya.

"Paano kung di mag success?" kunwaring nalulungkot na tanong ko sa kanya.

"Edi try and try hahaha tsaka masaya naman tayo kahit wala pa yung baby diba?" nakangiti pa ring tanong nya sakin.

"I love you. You're one of the best gift i ever receive" nung wala pa ang baby sa tiyan ko.. Si Jelay ang best gift sakin ni God pero ngayong meron na, second na lang sya hehehehe

"And you're the greatest gift i received. Ikaw lang ay sapat na sakin. Wala na akong mahihiling pa." ngumiti naman ako na parang di naniniwala. Yan pa kaya sabihin nya mamaya kapag nalaman nyang may baby na kami hehehe

"Oo nga, alam mo ba? Bago mo ko makilala.. Wala ng ibang mahalaga sakin kundi pangsariling kaligayahan ko. I even planted to marry you for money. Para sa manang makukuha ko. Hahahaha i planted to marry you and travel the World but when i met you, i don't need to travel the World 'cause i have my own World. It' s you." alam ko naman plano nyang ito dati dahil narinig ko sa kanila ni Aljon. Nakakatuwa lang isipin na nabago yun dahil minahal nya ako.

"So sinira ko plano mo?" nakataas kilay na mataray na tanong ko kunwari sa kanya

"Yes but it's a better plan to be with you forever." naku talaga. Napaka mambobola nito..

"Nye nye.. Pumasok ka na. Baka di pa kita papasokin." pagpipigil kilig ko na sagot sa kanya at kinurot ko ang magkabilang pisnge nya. Cute cute kasi..

"I love you. Always. Tandaan mo yan ha?" madalas naman sabihin sakin ni Jelay ito pero parang bigla akong nakaramdam ng kaba ngayon.

"I l-love you too." she give me a peck kiss on my lips and turn her back..

Muli syang lumingon sakin bago tuloyang makalabas..

"Bye! Aalis na ako." nakangiti nyang sagot at lumabas na ng bahay.

Hindi ko talaga alam bakit ko nararamdaman ito. Normal naman na ginagawa at sinabi ni Jelay yun.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now