Chapter 29

343 26 2
                                    

JELAY POV

Sa paglipas ng araw ay lalo pa kaming nagiging close ni Chef Achi. Medyo hina na kasi sya busy sa kusina dahil may sapat na rin kaming staff.

"Ano? G ka na maya?" last week nya pa ako kinukulit na turuan nya na daw ako magluto kaso ako naman ang busy dahil sa dami ng hinabol kong trabaho.

"Sige. Nakakahiya naman ako na nga magpapaturo tapos ako pa nagpapahintay hehe" nahihiyang sagot ko sa kanya na kakamot kamot pa sa batok ko

"Mameet ko na rin pala ang asawa mo sa personal muka pa namang maganda." nakangiting sagot nya sakin na napangiti din ako

"Huy! Asawa ko na yun ha! Tsaka maganda talaga yun lalo na sa personal" proud na proud kong sagot sa kanya.

"Hahaha na eexcite na tuloy ako!" sagot ni Achi na umakbay pa sakin..

Mga 8pm ng makarating kami sa bahay. Di ko na rin nasundo si Kaori dahil sabi nya gagabihin daw sya ng uwi tsaka dala nya naman kotse nya.

"Pang yayamanin talaga ang bahay nyo.. Ang ganda!" bungad ni Achi ng nilibot ang mata sa bahay.

"Di naman.. Feel at home lang Achi! Magbihis lang ako, may mga drinks dyan sa fridge." umakyat na ako sa taas at iniwan na si Achi sa baba..

Pagbaba ko ay naabotan ko si Achi nakatingin sa Wedding Picture namin ni Kaori na nakapatong sa Grand Piano.

"You look great together." puna nito.

Tipid akong ngumiti sa kanya pero sa totoo lang ay tuwang tuwa ako.

"Tara na Chef! Para pagdating ni Kaori may kakainin na syang masarap! Hehehe" aya ko dito...

Habang tinuturuan ako ni Achi magluto ay napapansin ko ang pag titig nya ng sobra.

Hindi ko alam kung dahil ba pinapanuod nya kung tama ginagawa ko o dahil sa... Ay ewan!

"May mga juices sa ref, chef. Bakit di ka kumuha?" pag oopen ko ng topic dahil di na ako komportable.

"Wala kayong nakakalasing? Haha" natatawang tanong nya sakin

Umiling naman ako habang nangingiti.

"Naku! Ayaw ni Kaori hahaha" natatawang sagot ko rin

"Ang strict ng asawa mo haha"

"Gusto mo ba? Meron kami sa entertainment room. Kuhanan kita?" alok ko dito.

Ayaw lang naman ni Kaori na pinag hahalo mga pagkain sa araw araw at ang alak kaya nakabukod ito.

"No Thanks." tipid na ngiti nya sakin at mulo na kaming nagluto.

KAORI POV

Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Hindi na ako nagpasundo pa kay Jelay dahil alam kong gagabihin ako talaga.

"Luke.." tawag ko sa tuta na parang di mapakali.

"Gutom ka na? O gusto mo na umuwi?" lumapit sakin si Luke at naglalambing. Kaya kinarga ko ito.

"Miss mo na si Mommy Jelay?" dinilaan nya lang ako sa muka bilang tugon.

Napa ngiti naman ako dahil parang oo sinagot nya sa akin.
Sinilip ko ang mga gagawin ko.

"Hmm.. Sige, uwi na tayo. Bukas na lang ito." inilapag ko saglit si Luke at inayos na ang mga gamit ko.

"Halika na Luke.." aya ko sa kanya ay muli syang binuhat.

Nararamdaman ko ang excitement ni Luke na uuwi na kami. Cute.

Grabe ang traffic!! Lalo akong napapagod at na sstress.
Gustong gusto ko na makauwi at mayakap si Jelay para naman mawala ang pagod ko sa buong araw.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now