Chapter 22

542 44 21
                                    

Hinahapo akong nagising..

"Hoy! Ayos ka lang?" napalingon ako sa katabi ko.

"Si Kaori??"

"Ha? Bakit mo hinahanap? Ayos ka lang ba?"

"Tang ina Aljon! Dalhin mo ko kay Kaori!" nanginginig ang buong katawan ko.

"Paano ang Flight mo?"

"I don't give a fuck!"

"Relax!"

"How can i relax??! I want to see Kaori right now!"

"Wow! Finally you come to your senses!" nanunudyong sagot nya habang iniikot ang sasakyan pero wala akong panahon dahil punong puno ng kaba ang puso ko

Ganitong ganito yung sa panaginip ko.

Hinatid ako ni Aljon sa Condo ni Kaori.
Nagmamadali akong bumaba ng makahinto ang sasakyan.

"Hintayin kita dito within 30minutes aalis na ako" pahabol na sigaw ni Aljon sakin pero nagmadali na akong sumakay ng Elevator.

Kumatok ako sa pinto ng unit ni Kaori. Naiwan ko ang duplicate key ko sa kotse.

Ilang sandali pa ay nagbukas ito at niluwa ang kunot noong si Kaori na agad napalitan ng gulat..

Namiss kita. Gusto kong sabihin ngunit na-statwa akong makitang ok sya. Nasa harap ko na sya at buhay na buhay.

"Love.." bago pa ako maka react ay naramdaman ko na ang yakap ni Kaori sa bewang ko at pagsubsob nya sa dibdib ko

What i have missed..

"Bumalik ka.." namamasa na ang dibdib ko sa pag-iyak ni Kaori..

Gumanti ako ng yakap at hinimas himas ang kanyang buhok.

"Sshhh.. Andito na ako." lahat ng takot ko kanina ay napalitan ng pagka guilty.

Bakit ko sinaktan ang tulad nya?

"Bakit ang tagal tagal mo?" ramdam ko ang pag higpit ng yakap na para bang ayaw nya ako mawala.

"I'm s-sorry.." mahinang pag-aalo ko sa kanya

Tiningala nya ako na hindi pa rin tinatanggal ang pagyakap sakin

"Ang mahalaga andito ka na. Please, wag ka ng aalis." iginaya ko sya papasok sa loob ng condo nya at naupo kami sa sala.

"Pasensya ka na medyo makalat sa Condo ko ngayon.." napansin ko ang mga nagkalat na beer in can na walang laman.

Hays.

"Mag-aayos muna ako ng kalat." akma sya tatayo pero hinila ko sya paupo sakin tsaka muling niyakap.

"Dito ka lang." ginantihan nya naman ako ng mas mahigpit na yakap.

Hindi ko alam bakit hindi man lang sya nagalit sakin. Buong buo nya akong muling tinanggap.

"Akala ko di ka na babalik." puno ng lungkot na saad nya.

Tinitigan ko naman sya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nya.

"Di ko pala kaya na wala ka. Cliché pakinggan pero ikamamatay ko." idinikit nya ang kanyang ilong sa ilong ko.

"Kaya wag mo na ako iiwan ulit. Ikakamatay ko rin." mabining sagot nya

"Wag kang nagbabanggit ng tungkol sa patay patay na yan. Ayuko. Di ka pwedeng mamatay." reklamo ko sa kanya dahil naalala ko pa rin ang napaka samang panaginip na iyon.

Napangiti naman sya sa sinabi ko..

"I love you Kao.." pinitik nya muna ako sa ilong na nagpadaing sakin.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon