Chapter 28

475 28 4
                                    

Pagkatapos ng kasal ay nag stay pa kami ng tatlong araw ni Kaori sa New Zealand para mamasyal.

Sobrang ganda sa New Zealand kaya talagang nag enjoy kami ni Kao kung pwede lang sana di na umuwi ay ginawa na namin kaso maraming responsibility na kailangan naming harapin dito sa Manila.

Pagdating namin sa Manila ay sinundo kami ni Mang Bert. Driver namin ni Mommy.

"Teka Mang Bert hindi ito ang daan papunta sa Condo ko.." halata ang pagtataka sa muka ni Kaori pero di sya sinagot ni Mang Bert at patuloy lang ito sa pagddrive.

"Love, hindi ito way papunta sa condo ko." harap naman sakin ni Kaori na parang di ko alam o napapansin na iba ang tinatahak naming daan.

"Mang Bert, saan tayo pupunta?" tanong ko na rin dito

"Malapit na po tayo Ma'am." malaki ang tiwala ko kay Mang Bert. Ilang taon na syang naninilbihan samin at ni minsan ay di pa ito gumawa ng masama.

Ilang sandali pa ay nahinto kami sa isang malaking bahay.
Nakita ko ang kotse ko naka-park dun at isa pang brand new car na kulay berde.

Inalalayan ko sa pagbaba si Kaori na nagtataka pa rin..

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at pinaharap ko sya sa malaking bahay habang nanatili ako sa kanyang likod.

"Surprise Love! Dito na tayo titira ngayon.." bulong ko dito na dahilan ng marahas nyang pag harap

"Sa iyo itong bahay??" gulat na tanong nya sakin na inilingan ko.

"Sa atin, Love. Binili ko ito para sa ating dalawa." kitang kita sa mata nya ang pangingilid ng luha at pagbuka ng kanyang bibig ngunit walang lumabas na salita.

Nagulat ako sa bigla nyang pagyakap na muntik na namin ikatumba..

"Thank you Love.. I love you." ramdam ko ang labis na saya nya sa mga binitiwan na salita.

Nilayo ko sya konti sakin para mahuli ang tingin nya..

"I love you too.." sagot ko at ngumiti.

"Halika" inakay ko sya papasok sa gate at nilapitan ang Bugatti Chiron Pur Sport na kulay green..

"This is yours.."

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko..

"Love, ang mahal nyan! Di ko naman kailangan ng kotse." reklamo nya na parang nahihiya sa akin.

"Kailangan mo yan Love kapag papasok ka sa work."

"Andyan ka naman para ihatid sundo ako." napayuko ako sa sinabi nya at hinawakan ang kanyang kamay

"Gusto kong ihatid sundo ka Love pero may mga pagkakataon na hindi ko nagagawa at ayukong mag commute ka. Mas mapapanatag ako na ganto tsaka makakatulong din ito sa work mo. Hindi mo na kailangan maghagilap ng company driver kapag gusto mong pumunta sa site." mukang naconvince ko naman sya sa sinabi ko.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon