Chapter 21

455 38 17
                                    

JELAY POV

Andito ako sa Condo ni Aljon ngayon. Dito muna ako mag Stay para malapit sa Airport.

Babalik na akong Canada. Baka hindi talaga dito ang buhay ko sa Pilipinas.

Habang naglalaro sa xbox ay nagulat ako ng bigla itong mamatay.

"What the fuck!" reklamo ko

"Ano pang ginagawa mo dito?!" galit na hasik sakin ni Aljon

"Bukas pa Flight ko!" sagot ko dito at hinablot sa kanya ang remote ng tv at muli itong binuksan.

"Sigurado ka na bang babalik ka sa Canada?" hindi ko sinagot tanong ni Aljon.

"Si Kao--"

"Ayukong makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya." pagpuputol ko ng sasabihin ni Aljon.

Kung makakarinig pa ako ng tungkol sa kanya ay baka di ko mapigilan ang sarili ko.

"Nag-resign na sya sa company nyo."

"Sabi kong ayuko ng makarinig ng tungkol sa kanya!"

"She's drunk everynight."

"Ano ba Aljon!!!! Naririnig mo ba sinasabi ko?!" naiinis na ako sa kanya.

Si Kaori.. Nasasaktan sya. At ayukong marinig yun.

"Biktima lang rin sya Jelay.." hinila ko si Aljon sa kwelyo..

"Isa pang salita mo tungkol sa kanya kakalimutan kong magkaibigan tayo!" winaksi nya ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya at inayos ito.

"Bahala ka sa buhay mo." galit na hasik nya at tumalikod na sya sakin.

"Hindi mo alam Aljon gaano kasakit ito sakin.
Kailangan kong bitawan ang taong mahal ko dahil anak sya ng babaeng pumatay sa Daddy ko." nakita ko ang paghinto nya sa paglalakad at napayuko ako.

"Gabi gabi ko hinihiling na sana hindi ito totoo! Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana masaya akong kayakap sya ngayon. Sana kasama ko sya. Hindi porket hindi ako nainom, hindi nyo ako nakikita na naiyak ay hindi na ako nasasaktan. Hindi porket ako ang bumitaw ay hindi na ako nagmamahal. "

"Wala naman akong sinabing ganon pero sana pakinggan mo si Kaori kahit sa huling pagkakataon. Wag mo syang singilin sa kasalanang hindi sya ang gumawa." namayani ang katahimikan saming dalawa.

"May oras ka pa.. Ito susi ng kotse ko. Nasa condo nya lang sya o kaya nasa Bar kasama si Karina. Pupunta muna akong Restau." napabuntong hininga akong tinitigan ang susi ng kotse ni Aljon.

Hindi ko na rin kasi ginagamit kotse na bigay ni Mommy at isa pa.. Ang dami naming ala-ala ni Kaori dun. Kung gagamitin ko yun baka makita ko na lang ang sarili ko sa harapan nya.

Kapag pinuntahan ko si Kaori.. Kapag nagka usap kami, mababago ba ng katotohanan na yun na ang Mama nya ang dahilan ng pagkamatay ni Daddy?

Dahil sa katanongan na yun ay pinili kong matulog na lang. Hintayin mag-umaga, pumunta ng Airport, iwan ang Pilipinas at lahat ng ala-ala ko dito.

Umaga na ng magising ako.
Handa na lahat ng gamit ko sa pag-alis ko. Ilang sandali na lang ang oras na natitira ko dito.

Nakatulala lang ako ng magpaalam sakin si Aljon na lalabas muna para may bilhin saglit.

Pinapanuod ko sa bintana ng Unit ni Aljon ang mga sasakyan at mga taong nagdadaan.

Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang katok sa pinto.

Mukang nakalimutan ni Aljon ang kanyang susi kaya agad ko syang pinagbuksan.

"Surpr---Anong ginagawa mo dito?!" nagulat ako sa bumungad sakin

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now