Chapter 3

451 38 0
                                    

"Dalhin mo ko sa Baguio. Tayong dalawa lang." napakamot si Jelay sa kanyang batok

"But i already have a deal with Kyzha and Angela" ngumiti naman si Kaori

"Di naman ngayon e. Sa susunod pa kapag pwede na ako. Marami pa akong gagawin sa office."

"Ahh.. Do you want to go there next week?" marahas naman syang nilingon ni Kaori

"Akala ko ba sa Palawan mo gusto pumunta??"

"It's ok. I have all my time to go there..  We can go North Luzon. Like La Union, Ilocos, Bataan and Baguio!" masayang suhisyon ni Jelay

"Sigurado ka?"

"Yes. At tayo lang dalwa." sa sinabi ni Jelay ay napangiti si Kaori.

"Salamat."

"May bayad yun.. Pero bayad ka na!" tila nagulohan naman si Kaori

"Ha?"

"Your paid because you smiled. Your smile worth a million dollar." natawa naman si Kaori sa ka-Cornyhan nito

"Corny mo!"

"Hahaha narinig ko lang yun kay Kyzha."

"Sinabi sayo ni Kyzha yun?" biglang seryosong tanong ni Kaori dito

"Yep! She's so sweet right?"

"Bakit nya sinabi sayo yun? Gusto ka nya?"

"Eh?" umiling na lang si Kaori

"Wala wala. Tara na't kumain."

"Ok!" at muling humawak si Jelay sa kamay ni Kaori.

Habang nakain sila ay muling nangulit si Jelay kay Kaori

"Kaoni.. Mamimiss mo ko?"

"Bakit naman kita mamimiss? Ayos nga yun walang mang gugulo sakin ng dalawang araw."

"Hahaha You'll gonna miss me when I'm gone." natatawang sagot nya

"Kanta yun."

"It's one of my favorite movie. So you know Pitch Perfect?"

"Di ko napanuod. Narinig ko lang."

"Let's Watch it in your condo. I have a copy on my Laptop."

"Wala akong oras. Inuwi ko Laptop ko para makapag work at home."

"Eh?" malungkot na sagot ni Jelay sa kanya.

"How about i'll come with you. I don't have plans tonight." tinitigan naman sya ng seryoso ni Kaori

"Manggugulo ka lang sakin e." agad naman tinaas ni Jelay ang kanyang kanang kamay.

"Promise! I won't! Manuod lang ako sa Laptop ko."

KAORI POV

Mapilit talagang tao ito. Kaya tumango na lang ako sa kanya.

Habang nasa Condo ay napili naming tumambay sa may Balcony. Tanaw dito ang City Lights.

Parehas kaming nakaharap sa Laptop namin. Ako nagtatrabaho at sya naman nanunuod ng movie.

"I'll get some drinks and snacks." paalam nya sakin kaya tumango ako.

"Kaoni, bakit di malamig beer mo?"

"Di ako nainom. Kuha ka na lang baso at yelo dyan sa ref" pagbalik nya ay may dala syang nova at baso na may lamang beer.

"Here." abot nya sakin ng mug.

"Coffee lang yan. Sabi mo kasi di ka nainom and you like coffee right?" napangiti naman ako dahil natandaan nya pa ang sinabi ko.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt