Chapter 4

526 38 9
                                    

"Welcome to Ilocos!!" masayang bungad kay Jelay at Kaori ng kanilang Tour Guide.

(AN: Kung hindi po kayo pamilyar sa sinasabi ko na lugar o pagkain paki search na lang po kasi di ako maalam sa pag dedescribe. Hehe)

KAORI POV

Habang papunta dito sa una naming destinasyon ay sobrang excited ko na. Hindi nga ata ako nakatulog.

Tanghali na ng makarating kami. Pinagtanghalian muna kami dito.

"Ito po ang pinagmamalaki ng lugar namin. Ang bagnet!" tinikman ko naman ang tinutukoy nyang bagnet. Sadyang napaka sarap ng lasa nito kaya tama lang na ipagyabang nila.

"Wow! Ang sarap sarap naman nito!" masayang bulalas ni Jillian habang punong puno pa ang bunganga.

"Ang sarap nuh Kaoni?" tanong pa nito sakin na tunanguan ko naman dahil busy ako kumain.

Pagkatapos kumain ay pinagpahinga muna kami sa hotel.
Magkahiwalay na kwarto ang pinili ni Jillian para sa amin kaya matatahimik ang mundo ko habang andito ako.

Dahil sa pagod at puyat ay mabilis akong nakatulog.
Hapon na ng gisingin ako ni Jillian dahil pupunta daw kami sa Cape Bojeador Lighthouse.

Maganda ang tanawin dito at malamig ang hangin. Malayo sa mausok na manila.

"Kaoni!" napalingon ako kay Jillian na agad naman ako kinuhanan ng litraro.

"Oh diba? You're so pretty." pakita nya sakin sa picture at ang ganda ng kuha.

"Tara! Picture tayong dalawa" aya nya sakin tsaka kami nagSelfie.

Nahihiya talaga ako ng una magPose sa camera kasi di naman ako sanay kaya puro seryosong muka lang ang mga unang kuha namin ni Jillian pero dahil makulit sya ay pinapatawa nya. Ang pangit ko daw kasi kapag seryoso.

Natatawa naman ako sa mga wacky face na ginagawa nya hanggang sa ginaya ko na rin sya.

Mag didilim na kaya napag desisyon namin na magpunta sa Calle Crisologo. Mas maganda ito kapag gabi.

Sobrang kulit ni Jelay at halos lahat ng tindahan dun ay pinupuntahan nya para mangulit at pagkatapos ay bibilhan nya. Pampasalubong na rin daw kila Karina.

Picture dito at picture dun ginagawa namin. Ang gaan lang kasama ni Jillian. Sobrang masiyahin nya.

"Kaoni sakay tayo ng kabayo!" parang bata na hinihila ako papalapit sa kabayo.

Pinagbigyan ko naman sya at lalo syang natuwa sa nakikita sa paligid nya.

Maganda ang Calle Crisologo talagang na preserve nila ang mga lumang establishment at makikita ang iba't iba lahi na natutuwa dito.

Pakiramdam ko ay isa akong turista ngayon. Ganito pala feeling ng turista.

"Oh." abot sakin ni Jillian ng tubig na binili nya kanina.

Ang galing nya lang kung minsan dahil alam na alam nya ang mga kailangan ko.

Nang mapagod kami mag-ikot ay nagpasya na kaming tawagin itong gabi. Inihatid ako ni Jillian sa kwarto ko na katabi lang naman ng kwarto nya.

"Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako ha?" tumango naman ako sa sinabi nya.

"Nag-enjoy ka ba?" nakangiting tanong nya

"Oo, sobra." mas lumawak naman ang ngiti nya sa sinagot ko.

"Tomorrow mas magiging masaya ka! Mas exciting!" excited na pahayag nya.

Pakiramdam ko naman kahit saan basta siya kasama ko exciting at masaya.

"Salamat Jillian." sagot ko sa kanya tsaka sya binigyan ng halik sa pisnge nya.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now