Chapter 20

407 37 2
                                    

KAORI POV

Napagpasyahan kong umuwi sa bahay. Sa bahay namin sa Cabanatuan.

Andito ako ngayon sa loob ng kwarto nakasandal sa headboard ng kama ko at ini-strum ang gitara ko..
Tamang strum lang kahit wala naman talaga akong tinutugtog na specific na kanta

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto kaya napatingin ako.

Nakita ko si Mama na parang nahihiyang ngumiti sakin..

Naupo sya sa may tabi ko..

"What brought you here?" nag-aalangan nyang tanong.

Nginitian ko naman sya.. Concern written all over her face.

"Wala." pagsisinungaling ko

"Minsan na lang ako magtatanong sayo, di ka pa ba sasagot ng totoo?" ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya

"Jelay" isang pangalanan lang at nakita ko pagbabago sa muka ni Mama.

"Nagka usap na kayo? Ano sinabi nya?"

"Wala syang sinabi." mahinang sagot ko at muling nag strum sa gitara ko

"I'm sorry.." napahinto ako sa pag tipa ng gitara ko at napatingin kay Mama.

"Bakit po kayo nagsosorry? Wala naman kayong kasalanan."

"Galit sya sakin." naguluhan ako sa sinabi ni Mama.

Bakit naman magagalit sa kanya si Jelay?

"Si Jelay?" tumango si Mama

"Galit sya sakin. Sinisisi nya ako sa pagkamatay ng Daddy nya.."

Alam ko na hindi perpekto si Mama pero hindi sya mamamatay tao. Bakit naman sya sisihin ng Jelay?

"Hindi ko nakukwento sayo Papa mo diba?" sumikdo ang puso ko ng banggitin ni Mama si Papa.

Oo, kailanman di nya nabanggit si Papa. Ayaw nyang tinatanong ko si Papa.

"Hindi ang Papa mo ang mahal ko. Hindi ko sya minahal pero isang gabi, nasasaktan ako at nagpakalasing. Kaibigan ko ang papa mo at matagal na syang may gusto sakin pero iba ang gusto ko. Nang gabing iyon kinuha nya ang pagkakataon. Nasasaktan ako, malungkot, marupok.. Kailangan ko ng makakasama at sinamahan nya ako.. Pero sinamantala nya ang kahinaan ko, nilasing nya ako at nilagyan ng droga ang iniinom ko. Wala akong laban sa kanya. Mas malakas sya kaya  hindi ako nakalaban. Ginahasa ako ng Papa mo.. "

Gulat.. Gulat ang nararamdaman ko habang naluluha si Mama.

"Yun ang gabing hindi ko malilimutan. I was rape at may nabuo. Ikaw yun." napatutop ako sa bibig ko.

"nagalit sakin ang taong mahal ko nun. Hindi nya ako mapatawad. Feeling nya pinagtaksilan ko sya. Galit na galit ako sa mundo! Galit ako sa papa mo at galit ako sayo." kaya ba parang di ako mahal ni Mama?

"Pinanagutan ako ng Papa mo pero di ko sya nagawang mahalin hanggang sa mga huling sandali nya. Nawala sya agad satin at kinailangan kitang buhayin mag-isa.. Wala akong mapuntahan nun kaya bumalik ako sa taong tunay kong mahal nagtrabaho ako para sa kanya.. Sobrang sakit na habang nakikita kong nahihirapan ako, siya naman ay naging masaya sa buhay nya. Sa pamilyang nabuo niya."

Nagtrabaho para sa kanya? T-teka..
Nahalata ni Mama ang muka ko na nagtatanong.

"Oo. Si Shiriel ang tinutukoy ko. Sya ang karelasyon ko bago ako pagsamantalahan ng Papa mo."

Kung kanina ay nagulat ako, ngayon ay di ko na alam.. P-paano?

"Sobra akong nasasaktan na makita syang masaya kasama ang iba. Masaya sa pamilya nya samantalang ako, hirap na hirap. At sa tuwing makikita kita, nakikita ko ang kawalang hiyaang ginawa sakin ng Papa mo. And i'm sorry.. Sorry dahil di ako naging mabuting ina sayo. Sorry kasi sayo ko binunton lahat ng frustration ko sa buhay ko."

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now