Chapter 17

432 32 7
                                    

"KAREEEE!!!"

Nagtatalon talon na sigaw ni Kaori ng pumasok si Karina sa office nya

"Anong nangyari sayo??"

Pinaypayan ni Kaori ang muka nya gamit ang kanyang kamay

"WHAT THE FUCK!! BINIGAY NYA??" di mapigilan ni Karina na mapamura dahil sa kumikinang na bagay na suot ng kaibigan nya.

"Ang ganda diba?! Binigay nya sakin kagabi.." kinikilig na kwento ni Kaori sa kaibigan.

"Ambongga! Tuloy na tuloy ang kasal! May pa engagement ring na."

"Aahhh.. Yiiieeeh!! Kare! Tingnan mo ang ganda!" paulit ulit na wika ni Kaori sa kaibigan..

"Edi ikaw na kilig na kilig.. Anong nangyari? Kwento naman!"

Flashback...

"Mag didinner lang tayo bakit pinagdress mo pa ako?" nagtatakang tanong ni Kaori dito

"may mga sasabihin kasi ako.." ngumiti naman si Jelay dito.

Napansin ni Kaori ang paligid na kokonti lamang ang tao, may waiter sa gilid na may hawak na wine at isa pang lalaki na nag viviolin.

May candle set sa gitna ng table at bulaklak.
Very sofisticated and romantic ambiance.

"A-ano ito?" nagugulohang tanong ni Kaori

"Dinner date? Hehe" alanganing tanong naman ni Jelay

"I mean, para saan?"

"Upo ka muna" alok ni Jelay ng upuan dito na tinanggap naman ni Kaori

Inangat naman ni Jelay ang kamay nya at syang lapit ng waiter.

"Pesto Carbonara and Wine for 2" bulong nito

Nauna ng i-serve ang wine na syang tinikman nila pareho..

"Ano ba yun?" muling tanong ni Kaori

"Mag-oopen na ako ng Restaurant. And i want you to be my first customer." nakangiting saad ni Jelay

"Restaurant? Kelan? Saan?"

"Tonight. This is my Restaurant." napatakip ng bibig si Kaori sa gulat

"B-bakit di ko ito alam?"

"Medyo matagal ko na rin itong plinano. Simula bumalik tayo galing sa bakasyon natin sa Baguio." muli ay nagulat si Kaori sa nalaman.

"Actually business partner kami dito ni Aljon. Naging busy ako nun at di ko sinasabi sayo. Gusto ko kasi maging surprise."

"Bakit? Akala ko ayaw mo magtrabaho?"

"Hindi ko rin talaga alam ano pumasok sa isip ko pero tuwing napapagod na ako dahil dito iniisip ko na lang na magiging proud ka sakin." nakangiting kwento nito

"You are my inspiration. Pinakita mo sakin na tuloy ang buhay. Laban lang.. You brought the real meaning of happiness in my life and self fulfillment is one of it." makikita ang naluluhang mata ni Kaori

Marahil ay dahil sa galak.

Jelay caress Kaori's face..
May dinukot si Jelay na maliit na kahon sa kanyang bulsa..

Dahan dahan nya itong binuksan at makikita dun ang singsing na may hugis bituin na diamond sa gitna.

Dahan dahan nya itong binuksan at makikita dun ang singsing na may hugis bituin na diamond sa gitna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now