Chapter 9

416 40 1
                                    

JELAY POV

*One message receive

FROM: Asawa ko ❣️

Salamat sa bulaklak. 😊

End of message

Anong bulaklak??

Pagkatapos mareceive ang text ni Kaori ay tinawagan ko sya.

"Hello" masiglang sagot nya

"Anong bulaklak?" deritsyang tanong ko sa kanya.

"Bulaklak? Rose. Yung nilagay mo sa table ko." kumunot naman noo ko sa narinig ko.

"Itapon mo yan!"

"Ha? Bakit ko naman itatapon?"

"Hindi ako nagbigay nyan! Itapon mo mo yan." lintek na yawa!

Kanino galing yung rose na yun!

"Hindi sayo galing ito?" nagugulohang tanong ni Kaori.

"Hindi kaya itapon mo yan. Pangit yan!" malaman ko lang kanino galing yun! Tsk

"Ok." mahinang sagot ni Kaori

"Wag kang tatanggap ng bulaklak o ng kung ano galing sa iba."

"Eh?" aba't! Ginagaya expression ko

"Kaori sumagot ka!"

"Oo na. Hindi na. Sige na, magttrabaho na ako." hindi nya na hinintay ang sagot ko at pinatayan na ako ng tawag.

Nakaka bweset!

Agad kong pinuntahan si Aljon sa condo nya.

Pagkatok ko ay agad nya naman ako pinagbuksan. Dumiretso ako sa sofa at dun naupo

"Oh? Bakit nakabusangot ka?"

"Hays.. Wala"

"Akala ko ok na kayo ni Kaori at dun ka nakitulog?"

"Ok na nga kami kaso may ugok na nagpadala ng bulaklak sa kanya." natawa naman si Aljon sa sinabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong nakakatawa?"

"Nagseselos ka kasi haha" binato ko naman sya ng throw pillow kasi nga throw daw.

"Di ako nagseselos. Nakakainis lang." di naman talaga ako nagseselos. Tsk

"Akala ko ba di mo gusto si Kaori? Anong kinakagalit mo?"

"Hindi mo ba naiintindihan? Binigyan ng bulaklak yung Fiancée ko!" alam kong bobo si Aljon pero may i-bobobo pa pala sya. Nakakainis

"Eh ano? E diba sabi mo, papakasal lang naman kayo after non bahala na sya? Baka nakakalimutan mo yung mana mo lang ang gusto mo makuha hindi kasama si Kaori dun."

Tsk.. Basta naiinis ako sa kung sino man nagpadala ng bulaklak sa kanya.

"Bahala ka dyan. Matutulog na lang ako" humiga na ako sa sofa ni Aljon.

"Wag ka nga dito! Kaya di ako maka diskarte sa chix e. Napagkakamalan na may jowa ako."

"Wag mo kasi dinadala sa condo mga babae mo!" bulyaw ko sa kanya.

Si Aljon ay Bestfriend ko sa states. Bumalik sya dito sa Pilipinas para mag Handle ng business nila pero katulad ko hanggang ngayon ay puro lakwatsa lang ginagawa.

Sweet friend talaga kami.. We do hugs, holding hands and says i love you. Kung hindi mo kami kilala ay mapagkakamalan mo talaga kaming magjowa sa sobrang close namin.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now