Chapter 7

424 31 2
                                    

KAORI POV

Natapos na kami mag simba kaya kakain kami sa labas.

"Jelay, pwede favor?" tumingin naman sya sakin na parang nagtatanong kung ano yun.

"Wag ka muna gagamit phone ha? Akin ka muna ngayon." gusto ko lang nung feeling nung nasa bakasyon kami.

Namiss ko iyon.

"Kung sayo ako today.. Edi akin ka rin?" hirit nya sakin.

Pinipigilan ko lang ngumiti pero ngayon na lang nya ulit ako biniro ng ganyan. Nitong mga nakaraan ang cold nya kasi. Ewan ko kung busy lang talaga sya o sadyang wala na syang paki sakin.

"Hmm.. Pag-iisipan ko." pang aasar ko sa kanya.

"Ay! Ganon? Sige." akma nyang dudukutin ang phone nya...

"Oo na. Oo na." sagot ko sa kanya kaya muli nyang binalik ang cellphone nya sa bulsa.

"Sakay ka na." utos nya sakin dahil nakalapit na rin kami sa kotse nya.

"San tayo kakain?"

"Sa Jollibee!! Hihi namiss ko kasi." nakangiting sagot nya sakin habang binubuhay ang kotse.

Mabilis kami nakarating sa Jollibee.

Magkatapat kami at nagtitigan lang ngayon na naghihintay ng order.

Awkward naman. Wala akong maisip na topic tsaka ang tahimik nya rin.

"Kao.." ayan na magsasalita na sya

"Uhm?"

"Umamin ka nga sakin, gusto mo na ba ako?" wow! Lakas talaga nito

"Kapal mo! Bakit naman kita magugustuhan?" sagot ko sa kanya na nagpatawa sya

"Nagtatanong lang! Nilait mo naman agad ako." inirapan ko naman sya

"E bakit pala ang sweet mo lately?"

"Sinusubukan lang kita mas kilalanin. Malay ko ba kung may sayad ka pala. Edi, hindi ko na itutuloy yung kasal." pang asar na sagot ko sa kanya.

"Grabe sa may sayad. Ayuko na nga magtanong. Nilalait mo naman ako." nakanguso na sagot nya.

Tinawanan ko naman sya at saktong dating ng order namin kaya kumain kami.

Pagkatapos kumain ay nagtanong sya.

"San na tayo pupunta?"

"Tara sa condo ko. Netflix na lang tayo." hindi kasi talaga ako pala gala na tao. Mas nag eenjoy ako sa condo lang.

Sumang ayon naman agad si Jelay. Hindi naman ako kinokontra nyan e hehehe

Pagdating namin sa Condo ay hindi sya mapakali.

"Anong problema?" di ko maiwasang itanong habanh hinahanda na gagamitin namin.

"Y-yung phone ko kasi kanina pa nagVivibrate." nahihiya nyang sagot.

"Sige na. Sagutin mo na" wala naman akong magagawa e.

"Hello,... Condo kasama si Kaori... Wala lang... Saan?... Hindi ba pwedeng bukas na lang?... Hays! Wrong timing ka naman e... Oo na... Bweset ka!..."

Mukang di maganda pakiramdam ko ah.

"Kao?"

"Uhm?" mahinang sagot ko sa kanya

"K-kailangan ko kasi umalis.. Sorry, babawi na lang ako sa sunod promise." sabi na nga ba..

Ok na lahat e biglang may mang iistorbo at hindi ako ang priority nya.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now