Chapter 26

481 32 4
                                    

KAORI POV

Naiinis na ako sa sarili ko. Napaka moody ko. Natatakot ako na baka mag sawa si Jelay sa ugali ko pero di ko maiwasan mainis kahit sa malilit na bagay.

Lalo na nitong mga nakaraan.. Laging busy si Jelay tapos amoy na amoy ko pa yung pabango nung Chef daw nila. Naiirita ako na may maamoy na iba sa kanya.  Gusto ko, ako lang. Arrgghh

Tapos gusto kong makipag-ano sa kanya pero di ko nararamdaman na gusto nya, lagi syang parang naiwas may mangyari samin. Pagdating sa bahay pagod daw sya! Naiinis ako kaya inaaway ko sya para lambingin nya ako.

Naiisip ko tuloy, am i not a good performer? Parang di nya kasi hinahanap hanap mga halik ko tulad ng nararamdaman ko sa kanya.

Yung tipong makita ko pa lang sya gusto ko na syang dambahin at paibabawan at pa-ulanan ng halik. Urrggghh

Just thinking of her making me wet.

But why she don't feel the same? Am i not sexy enough? Not pretty enough? Hays! Nababaliw na ako isipin bakit hindi.

Sa bagay galing sya sa Canada marami talagang mas sexy at mas maganda dun kaysa sakin.

Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon.

"Ano na naman problema mo?" napalingon ako kay Karina na naka cross pa ang mga kamay na tinititigan ako mula sa pinto ng opisina ko.

"Syempre si Jelay.. Wala ka naman na ibang inisip kundi si Jelay." sya din sumagot sa tanong nya ng tapunan ko lang sya ng tingin at di umimik.

"Anong problema mo sa Jowa mo?" Syempre di ko pwede sabihin kay Karina pinoproblema ko. Pagtatawanan lang ako nito.

"Namimiss ko lang sya.. Lagi kasi syang busy lately." totoo naman din yan. Napatango naman si Karina sa sinabi ko

"Kasal nyo naman inaasikaso nya. Hayaan muna. Konting tiis na lang" wala na syang ibang inatupag konti ang kasal at restaurant.

"Tsaka naiisip ko rin ang moody ko sa kanya. Lagi ko syang inaaway lalo na kapag namimiss ko sya tapos di nya ako nilalambing." seryoso namang umupo si Karina sa upuang nasa harap ko.

"Edi ikaw maglambing sa kanya. Hindi naman palaging sya ang dapat mauna Kaori. If you want to hug her, hug her! If you want to kiss her, kiss her! If you want to make love with her, seduce her. Hahaha" kaya nga ako naiinis!! Ako na nag iinitiate pero tinatanggihan ako dahil pagod daw sya, bawal daw dahil di pa kami kasal! Urrggh..

Pero di ko sasabihin kay Karina na tinatanggihan ako ni Jelay mapapahiya ang ganda ko.

" Ang halay ng iniisip mo." charot charot ko sa kanya na natawa naman sya.

"Basta wag kang maghintay lang kung ano gagawin ni Jelay. Kumilos ka girl! Baka mapagod sayo yun. Sige ka." sa mga huling sinabi ni Karina ay sumikdo ang puso ko.

Nabalot ako ng takot.

"Bawas bawasan mo pagiging nagger na girlfriend. Di pa kayo kasal baka matauhan yun at umatras." dugtong nya pa na tinamaan ako.

Nitong mga nakaraan ay lagi ko talagang inaaway si Jelay sa kagustohan kong lambingin nya ako.

"Pagod na nga ang tao tapos bubungangaan mo pa. Di ka lang nasundo nainit na ulo mo. Dapat tanggapin mo na nagbago na si Jelay. Di na sya yung puro tambay lang at uubusin lahat ng oras na nakabuntot sayo." napanguso ako sa mga sinabi ni Karina.

Ang toxic girlfriend ko pala kay Jelay tapos di nya man lang ako pinapatolan kapag inaaway ko sya. Hays

" Di ka na umimik dyan!" pukaw ni Karina sa atensyon ko

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt