Chapter 13

394 36 4
                                    

Matagal bago umakyat si Jelay. Mga dalawang oras bago nya ako puntahan.

Pagpasok nya sa office ay ngumiti syang alanganin sakin..

"Bakit?" kunwaring walang muwang na tanong ko

Lumapit sya sakin at umupo sa lap ko..

She cupped my face and i can see  through her eyes her sadness.

"Anong problema?" malambing na tanong ko sa kanya at umiling sya.

Siniksik nya ang ulo nya sa leeg ko tsaka ako niyakap..

Niyakap ko rin sya ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod. Pakiramdam ko kailangan nya ng yakap.

"Hays! Oras ng trabaho bakit may magjowang naglalampungan dito?" tinitigan ko naman si Karina ng masama. Napaka wrong timing nya.

Samantalang si Jelay ay di pa rin naalis sa lap ko.. Di sya nakilos

"Iwanan ko na lang dito yung budget report." sagot ni Karina at nilapag na ang folder na hawak nya tsaka lumabas ng office.

"Love? Anong problema?"

"I just want to hug you." Hindi naman ako naniwala sa sagot nya pero hinayaan ko na lang sya.

We stayed for i guess 30 minutes more with that position.

Ano kayang napag-usapan nila ng Rhys na yun?

Bakit ganito na lang sya ka affected? May feelings pa rin ba sya kay Rhys?

Sabagay, first love never die. Her first kiss, her first heart break, her first in almost everything.

Bakit kaya sila nag break? Hmm..

"Punta muna ako kay Aljon. Sunduin kita maya ha?" paalam nya sakin tsaka nagbeso.

Tinawagan ko naman si Kare para may makausap.

"Kare, ano sa tingin mo dapat kung gawin?" nakwento ko na rin kay Karina lahat ng alam ko at nangyari

"Sa nakita ko naman kanina parang ikaw naman pinipili ni Jelay.. Pero bakit di mo sya tanongin?"

"Anong itatanong ko? Kung mahal nya pa? Tsk"

"Oo kasi kung ganon sya ka affected sa pag uusap nila baka, baka nga may feelings pa sya dun at mahirap yun" napabuntong hininga naman ako

"Narinig ko sabi ni Aljon, great love daw ni Jelay yun. Ano naman laban ko dun? Ni hindi pa nga ako nasasabihan ni Jelay na mahal nya ako. Kakakilala pa lang namin! At ito pa, first kiss nya yun samantalang ako araw araw kami magkatabi matulog pero hindi nya pa ako nahahalikan. Di naman ata sya attracted sakin. " natawa naman si Karina sa sinabi ko

"Anong nakakatawa?"

"Pinoproblema mo pa kasi paghalik sayo ni Jelay. E kung maglampungan nga kayo kulang na lang mag sex kayo sa harap namin!"

"Yung bunganga mo! Tsaka totoo sinasabi. N-never pa kami nagkiss." naiiling pa rin si Karina

"Edi ikaw mag-initiate."

"Ayuko nga.. Nakakainis lang isipin na parang di sya na aattract sakin.. Lagi naman kaming nagkakatitigan, nahuhuli ko nga sya natingin sa labi ko minsan pero wala. Ayaw nya. Feeling ko di nya ako mahal talaga kasi ayaw nyang maging intimate sakin."

"Ikaw ba nagsabi na sa kanya na mahal mo sya?" napa-isip naman ako at napailing..

"Yuun! Wala kang inaamin sa kanya."

"Pero 'love' tawag ko sa kanya. Hindi ba parang confession na rin yun?"

"Nope. Give her permission to kiss you. Malay mo iniisip nya di mo gusto kasi di mo naman sinasabi na mahal mo sya.. Malay mo lang ha? Why not try?" matagal ko naman na gusto sabihing mahal ko sya kaso ayaw kong mauna.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon