Chapter 32

356 37 5
                                    

"May problema ka ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Achi ng maabotan nya ako sa office ko na nakatulala lang nakapatong ang dalawang paa sa desk habang nilalaro ang ballpen.

Di ko naman sya nilingon. Wala ako sa mood magsalita.

"Alam mong andito lang ako handang makinig." naupo sya sa upuan na nasa harap ng desk ko.. Mukang wala syang balak umalis.

"Is it about Kaori?" pangungulit nya pa rin at napabuntong hininga ako bilang tugon..

"Anong nangyari?" muling tanong nya na di ko na maiwasan sumagot. Mapilit din talaga kung minsan si Achi at may tiwala din naman ako sa kanya.

"Nag-away kami." simpleng sagot ko dito.

"Bakit?" sinipat ko muna sya at nakita kong handa talaga syang makinig sa akin. Sabagay, lagi naman syang andyan para makinig sa mga walang kakwenta kwentang mga kwento ko kaya nga kami nagkasundo agad.

Nagpasya akong ikwento ang lahat lahat sa kanya..

"Anong plano mo?" tanong nya sakin pagkatapos ng lahat ng kinuwento ko.

Nakibit balikat lang ako dahil sa totoo lang hindi ko na rin alam ang gagawin kay Kaori. Paulit ulit na lang kami.

Susuyuin ko sya kahit di ko kasalanan tapos bukas makawala magagalit na naman sya sa bagay na di ko naman ginawa o sinadya.

Nakakaramdam din naman ako ng pagod, natatanong ko rin ang sarili ko minsan kung mahal nya ba ako talaga o masaya lang sya sa atensyong binibigay ko kaya sa tuwing may nagagawa akong di nya nagugustuhan ay nagagalit sya.

"Dapat kasi di mo na sinabayan galit nya. Dapat tinanong mo sya ano kinakagalit nya." tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Achi.

"Seriously?? Nakikinig ka ba sa kwento ko?" naasar na tanong ko sa kanya. I try to calm myself last night but she triggered me.

Tsaka sino ba naman matutuwa na makita mong hinatid ng iba ang asawa mo diba?

"You promise to always choose her pero kagabi pinili mong pangunahan ka ng damdamin mo kaysa piliing intindihin si Kaori." seryosong sagot nya na kinainis ko

"Look Achi.. Hindi ako Santo! Nauubos din pasensya ko.." naiinis ako sa kanya. Akala ko makakarinig ako ng mga salitang gagaan ang loob ko.

"E ano ng sunod na mangyayari? Ganyan na lang kayo? Kaya mo ba?" napabuntong hininga ako dahil sa totoo lang ay hirap na hirap ako sa sitwasyon namin ni Kaori ngayon pero gusto ko ako naman.. Ako naman suyuin nya. Gusto ko maramdaman na takot din syang mawala ako.

"Alam ko iniisip mo.. Gusto mo suyuin ka nya? Pano kung di nya gawin?" yun na nga e! Kailan ba ako sinuyo ni Kaori.

"Lagi naman ako" naiinis na sagot ko dito

"Yan! Yan! Isa pa yan" nagpapalatak ang daliri nya na parang sinasabi na may mali na naman ako

"Lagi mo kasi iniisip ikaw lang umiintindi, ikaw lang nagsasakripisyo, ikaw lang nag-effort. It's always you right?" Hindi ko makuha ang pinupunto ni Achi

"Ako naman talaga lagi." paninindigan ko sa sinabi ko.

"Ikaw na nagsabi Jelay, hindi ka santo. Malamang may mga ayaw din sayo si Kaori baka di mo lang napapansin dahil di sya tulad mo na ipapamuka ang pagkukulang mo. Baka di sya tulad mo na di makuntento."

"Teka! Bakit parang kasalanan ko pa nangyayari samin?"

Natawa naman si Achi sa sinabi ko..

"Jelay, di ko sinabi na kasalanan mo LANG. Wag mo kasi akuin lahat.. Ang sinasabi ko may kasalanan ka rin hindi lang yung asawa mo." hindi ko naman sya inimik. Hindi ko kailangan ng sermon ngayon.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora