Chapter 27

408 35 9
                                    

"Namimiss ko si Jelay.." napabuntong hininga naman si Karina sa sinabi ng kaibigan..

"Konting tiis uy! Ikakasal na kayo bukas! Ngayon ka pa mag iinarte?" natatawang pagalit ni Karina kay Kaori

"Masyadong malamig dito. Kailangan ko ng yakap nya.." nakangusong sagot nito kay Karina..

Sa New Zealand napiling magpakasal ni Jelay at Kaori. Simpleng Wedding lang ang hinanda para dito dahil ayaw ng magarbo ni Kaori tulad ng gusto ni Jelay.

Nagulat naman si Kaori sa pagbato ng makapal ng Jacket ni Karina sa kanya.

"Jacket kailangan mo! Hindi ang jowa mo." agad ito nag marcha palabas pagkatapos pagalitan ang kaibigan.

Niyakap na lang ng mahigpit ni Kaori ang binato sa kanya na jacket. Si Jelay bumili nun e

KAORI POV

Ano kaya ginagawa nun? Sigurado ako excited na rin yun sa kasal namin hehehe

Nakangiti kong iniimagine ang kasal namin bukas ng kumatok si Mama sa pinto.

"Ma.." nakangiting bungad ko dito.

"You really look pretty and happy.." mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Mama

"Ready ka na ba?" seryosong tanong ni Mama

"Kinakabahan ako pero siguro akong si Jelay na Ma." naupo si Mama sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko

"Hindi basta basta ang buhay mag-asawa. Kahit sabihin mong nagsama na kayo sa iisang bubong mas mahirap ito. Mas maraming responsibilidad at wala ng atrasan." nauunawaan ko naman ang sinabi ni Mama

"Handa na ako Ma." paninigurado ko sakanya

"Hindi porket nag away kayo ni Jelay ay uuwi ka sakin ha? Hindi porket may di ka nagustuhan sa kanya aayaw ka na. Ang buhay pag-aasawa mas mahirap kaysa sa buhay na mag girlfriend palang kayo. Mas makikita mo mga negative sa kanya, mas magiging comportable kayo sa isa't isa na kung minsan ay di nyo napapansin napapasobra na pala. Ang pag aasawa ang kailangan ng malawak na pang unawa. Naiintindihan mo ba? " alam ko naman yun. Nababasa ko na yan at napapanuod sa maraming palabas.

Ang mahalaga mahal ko si Jelay at mahal nya ako kaya kakayanin namin ito.

"Opo Ma, Naiintindihan ko. Kaya namin ni Jelay ito Ma. Magsasama kami habang buhay na masaya" muling ngumiti si Mama sa sinabi ko.

"Mukang excited ka na talaga.. Sige na. Matulog ka na at magpahinga." matamis na ngumiti sakin si Mama na hinalikan ako sa noo bago tuloyang lumabas ng kwarto.

Excited akong nahiga sa malambot kong kama at nagpagulong gulong dun habang yakap pa rin ang Jacket.

Ikakasal na ako bukas kay Jelay!

Nakatulog ako ng di ko alam pano.

"Good Morning!!" masaya kong bati kay Karina ng makita ko syang may inaayos sa kwarto ko.

"Excited ka na nyan? Hahaha" nang aasar si Karina pero alam kong masaya sya para sakin.

"Ikakasal na ako!" masayang sagot ko sa kanya

"I know right! Akalain mo yun? Akala ko dati yung mga Building Built-In Plans ang papakasalan mo e hahaha" ngiting ngiti naman ako sa sinabi nya.

Di ko rin lubos isipin na Ikakasal ako dun pa sa taong mahal ko at mahal ako. Napaka perfect.

Maya maya lang ay inayosan na ako. Hapon ang oras ng kasal na napili namin.

Pagdating ko sa venue ay natanaw ko agad ang puting sasakyan na malamang ay sakay si Jelay.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now