5. Argument

5.4K 242 50
                                    

Warning: There are some sensitive issues here. The character's views and opinions doesn't mirror mine.

- A.



----

"BAKIT?" amused na tanong ni Brie. Para kasi siyang buhay na isda na kinakaliskisan ni Lagring. Sinadya niya talagang ipakita ang pinagawa upang makita ang magiging reaksyon nito.

"Wala naman," anitong malalim ang gatla sa noo, "sabi ko na... tama ang naaamoy ko sa 'yo."

Itinaas ni Brie ang noo. "And?" tanong niyang hindi man lang natinag.

"Hindi ako judgmental," agad nitong depensa, "relihiyoso lang kasi ang pamilya ko at pinalaki kami sa pangaral na mali ang mga ganyang bagay."

"Mm... Okay," kibit-balikat ni Brie. "Hindi ka naman siguro tatakbong palayo sa 'kin ngayong alam mo na, 'no?" Pabirong tanong niya.

"Depende." Ito naman ang nagkibit-balikat. "Basta't 'wag mo lang akong popormahan, kundi magkakagulo tayo."

"Don't worry. Ayoko din naman sa mga straight. No offense, pero sa tingin ko, malaking problema lang kung papatol ako sa mga kagaya mo. Masakit lang sa ulo at masakit sa puso; kaya no way na makikipagrelasyon ako sa straight," ang wika naman ni Brie.

Napataas ng kilay si Lorraine. Bago iyon sa pandinig niya. Akala niya, kahit sino ay papatusin ng mga kagaya ni Brie. "Mabuti naman kung gano'n."

"So... Friends?" nakangiting lahad ni Brie ng kamay.

Ilang sandaling tinitigan muna iyon ni Lorraine bago tanggapin. Tipid na ngumiti. "Friends."

"Yown!" natutuwang wika ni Brie at pinakawalan na ang kamay nito. "Tara na. Sulitin natin ang gabing 'to. I-celebrate natin ang pagiging magkaibigan nating dalawa."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang gumuhit ang isang genuine na ngiti sa mga labi ni Lagring. Pero mabilis din nitong pinalis iyon.

'Napangiti din kita sa wakas,' sa isip-isip niya. Puwede na siyang magpa-misa.

Naglakad na sila upang mag-ikot pa sa paligid.

"I just have one request, though..." si Lorraine at nagseryoso ng mukha, "stop calling me Lagring, will you?"

"What's wrong with the name Lagring?" Balewalang tanong ni Brie.

"Puwede ba... Ang pangit kaya. Ayokong tinatawag mo 'ko sa pangalang 'yan."

"Sorry, pero nag-i-enjoy akong gawin ang mga bagay na ayaw ng ibang tao," pilyang tugon ni Brie.

"Gusto mo bang bawiin ko ang pakikipagkaibigan sa 'yo?" banta ni Lorraine.

"Hindi mo na puwedeng bawiin 'yon.
Saka, wala ka ring magagawa dahil kahit anong iwas mo ay kukulit at kukulitin pa rin kita," nakangising wika ni Brie.

Natigil sa paglakad si Lorraine. "Teka lang... 'di ba ang usapan natin pagkatapos nito ay tatantanan mo na 'ko?"

Hinarap ito ni Brie. "Para sa'n pa at nakipagkaibigan ka sa 'kin kung hindi rin tayo magpapansinan?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon