25. Just do it

4.8K 225 64
                                    

MAINIT. Iyon ang nararamdaman ni Brie. Para rin siyang natataeng ewan. Napabuga siya ng hangin. Napapunas sa noo'ng may ilang butil na ng pawis. Hinawakan ang unahan ng damit at ginalaw-galaw iyon na tila pinapaypayan ang sarili. Kung tutuusin ay may nakatapat namang ceiling fan sa kanila, pero init na init talaga ang pakiramdam niya.

"Ang tagal naman ng order, ano ba 'yan," basag niya sa katahimikan.

Kanina pa silang walang imikan ni Lagring. Matapos niyang sabihan ng "maganda" ay bigla na itong tumahimik. Kahit siya ay nahiya na ring magsalita.

The heck, Brie? Kailan pa nauso sa'yo ang mahiya?

Ngayon lang.

Sa loob ng dalawampu't limang taon na niyang nabubuhay sa mundo ay hindi pa niya nararanasang mahiya nang ganito, puwera na lang sa mga sandaling...

"Oo nga, eh. Ang tagal."

Naputol ang iniisip niya sa biglang pagsasalita ni Lorraine. May masabi lang din siguro.

Napalingon siya rito. Halatang hindi ito makatingin sa kanya. Nang mapansin nitong nakatitig siya ay pasimpleng nagtakip ito ng mukha. Ipinatong ang siko sa mesa at nangalumbaba kunwari. Lihim naman siyang napangiti rito. Natahimik na silang muli matapos iyon.

Tila parehong nakahinga nang maluwag ang dalawa nang sa wakas ay dumating na ang order.

"Finally..." si Brie. "Halos thirty minutes din, ah," ika niya sa server na nagkataong siya ring cashier kanina. Bata pa rin ito. Sa tantiya niya ay nasa  early twenties siguro.

"Nasa twenty lang naman po, Ma'am," ika naman nito at inilapag na ang mga pagkain sa mesa.

Kanina pang may nakalagay na mga kubyertos doon, kasama na ng mga inumin.

"Pa'no hindi po kayo nag-uusap na dalawa," ika pa ng server.

Hindi nakapag-prepare si Brie sa sunod na sinabi nito.

"Iniisip niyo pa rin po siguro 'yong tungkol sa paggawa ng baby, 'no?"

Pakiramdam ni Brie ay nabilaukan siya kahit wala pa naman siyang sinusubo. Si Lorraine na noon ay umiinom ng shake ay biglang nasamid at nagkanda-ubo-ubo.

Napatakip naman sa bibig ang server, tila naa-amuse pa ang mukha.

Asar na tiningnan ito ni Brie. Isang tikom na ngiti ang binigay niya dito. "Ang galing mo rin, Ate. Okay na sana, eh," medyo pagalit ngunit mahina niyang turan.

Si Lorraine naman na halos hindi pa makabawi ay matalim na tiningnan ang server.

Napakagat-labi naman ang huli at tila nahiya din. "Pasensya na ho, mga Ma'am. Natutuwa lang po ako sa inyo. Alam niyo, straight po ako, pero kinikilig ako sa inyong dalawa," ang wika pa nito. Mukhang siyang-siya nga ito. Nangungumbok ang pisngi sa pagkakangiti.

Parang lalo pa yatang naubo si Lorraine.

Si Brie ay pinandilatan na ang server. "Bumalik ka na kaya do'n sa puwesto mo?" medyo paangil niyang wika. Kahit nakakaasar ay hindi rin niya magawang magalit dito. Parang ang gaan din kasi ng personality nito. Iyong tipong hindi ka maiilang kausapin at biruin.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon