30. "Mahal Kita"

4.8K 276 58
                                    

MGA ilang minuto rin ang lumipas bago kumalma si Lorraine. Nasa kandungan pa rin niya ito at nakasubsob sa pagitan ng leeg niya ang mukha.

"Let's get you to bed," masuyong wika dito ni Brielle.

Iniangat nito ang namamagang mukha sa kanya. May bahid pa rin ng luha ang mga mata. Gumalaw ito ng kaunti, dahilan upang magkiskis ang magkadikit nilang mga balat.

Sa ginawa nitong iyon ay biglang nahigit ni Brielle ang hininga. Pinigilan niyang ipakita rito ang nararamdaman nang sandaling iyon. Noon lang din niya napansing nawala na ang mga bula sa tubig, at ngayon ay malaya na niyang napagmasdan ang kahubdan nito. Pinilit ni Brie na itutok lang ang paningin sa mukha nito.

"B-Baba na tayo..." halos bulong lang iyon nang lumabas sa bibig niya.

Halos hindi naman makatingin si Lorraine sa kanya. Napayuko ito at napakagat-labi.

Tumingala si Brielle upang huwag lang mapatitig sa malulusog nitong dibdib na nasa harapan niya.

"S-Sorry... A-Alam kong ideya ko 'to, pero hindi ko naman napanindigan," nahihiyang turan nito at itinakip na ang mga kamay sa dibdib.

Noon tumingin si Brielle dito. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabila pa rin nitong baywang at marahang nakahawak doon. "Hey... It's okay. Naiintindihan ko. Sige na, baba ka na. Pipikit ako," aniya sa malumanay na tinig.

Nahihiya pa ring sinalubong nito ang mga mata niya. "S-Sorry ulit."

Tumango si Brie at isang tila nahihirapang ngiti ang pinakawalan. Pigil pa rin niya ang hininga. "Sige na..." marahan niyang taboy dito at pumikit na siya.

Hinintay niyang tumayo ito mula sa tub ngunit hindi agad iyon dumating, at sa halip... ang naramdaman niya ay ang paglapat ng malalambot nitong labi sa kanya. Napaungol siya dahil doon. Mariing napapikit. Itinaas niya ang dalawang kamay sa mukha nito at inilayo ito mula sa kanya. "Please, Lorraine... Kailangan mo nang lumayo sa'kin, kung hindi... Napakanipis na lang ng natitirang pagtitimpi ko... Please..." hirap niyang usal na halos kapusin ng paghinga. Mariin pa ring nakapikit.

Marahas itong napabuntung-hininga. Isa pang 'sorry' ang namutawi sa bibig bago ilayo nang tuluyan sa kanya ang katawan. Naramdaman niyang bumaba na ito ng tub at doon lang siya nakahinga nang maluwag. Narinig niya ang paghawi ng partition, at sumunod na rin doon ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo.

Doon lang siya nagmulat at pinakawalan na ang pinipigil na hininga. "Hah!" Pakiramdam niya ay kakaahon lang niya mula sa tubig. Habol ang hininga at ang lakas ng kabog ng dibdib.

Isang mahaba at tila naghihingalong ungol ang pinakawalan niya, kasabay noon ay mariin niyang pinagdikit ang dalawang binti at napasandal ang ulo sa tub. Nakahawak ang dalawang kamay sa puson. Malutong siyang napamura sa sarili.

Nang mahimasmasan na siya ay bigla niyang naalala si Lorraine. Agad siyang napabalikwas ng bangon sa tub. "Damn it," marahas niyang mura sa sarili at tumayo na, "can this get even more complicated?"

Nang makababa ay muli siyang napasandal sa tub. Nahaplos ang puson. "F - , ang sakit," daing niya.

Naglakad na siya palapit sa shower at agad na binuksan iyon. Itinodo na niya iyon. Walang pakialam kahit masakit sa balat ang pagbagsak ng tubig. Pilit niyang kinuskus mula sa katawan ang init na nararamdaman. Ilang minuto rin ang pinalipas niya at nakatapat lang siya sa dutsa.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon