3. Attempts

7.4K 268 21
                                    

Tatlong beses na pinindot ni Brie ang doorbell ng kapit-bahay. Sa kanyang kamay ay dalawang supot ng mainit-init pang malunggay pandesal.

Maaga siyang lumabas ng bahay para mag-jogging at dumaan siya sa bakery nang pauwi na. Isinali na rin niyang bilhan ang masungit na bagong neighbor.

She is on a mission— ang paamuhin si Lagring.

Inulit muli ni Brie ang pag-doorbell nang dalawang-minuto na ay hindi pa ito lumalabas.

Pagkatapos ng isa pang minuto ay bumuka na rin ang pintuan at iniluwa ang pupungas-pungas pang si Lagring. Nakasimangot na naman ito at lalo pang nagdilim ang mukha nang mamataan siya.

"What do you want? I'm sleeping!" Medyo paangil na turan nito.

"Good morning too, Lagring," idinaan ni Brie sa matamis na ngiti ang maagang pagsusungit ng bagong kapit-bahay, "may dala akong pandesal. Ibinili na din kita para hindi ka na lumabas."

Parang lalo pa yatang naimbiyerna ang babae. "And who told you that I don't have food? At puwede ba... Stop calling me Lagring!" Iyon lang at pabalibag na nitong sinara ang pinto.

Napapitlag pa si Brie dahil sa pagkagulat. "May PMS ba siya? Ke aga-aga, napakasungit." Tiningnan niya ang hawak na pandesal. "Kung ayaw niya, eh di 'wag. Hmp."

Naglakad na siyang papasok sa sariling bahay.

----

"HI, Lagring!"

Nagkunwari si Lorraine na hindi narinig ang tawag na iyon.

"Good afternoon, Lagring..."

Pinilit niyang magbingi-bingihan.

"Psst!"

Nagpipigil ng sariling ibinaba ni Lorraine ang pangdilig ng halaman. Buong maghapon siyang nag-make-over ng garden. Parang gubat na kasi iyon sa kasukalan. Hinarap niya ang nakakairita niyang kapit-bahay.

"What?" Tanong niya dito na nanghahaba ang mukha.

"Whoa... ang aga-aga pa para mag-zombie mode. Easy ka lang," anitong itinaas ang kamay. "May dala nga pala akong merienda," ipinakita nito ang tatlong magkakapatong na boxes ng pizza. "May hawaiian, pepperoni and beef, at may vegetarian pizza din kung health conscious ka. Tatlong variety para may mapagpilian ka. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo, eh."

Napalunok si Lorraine. Na-bulls-eye siya nito. Paborito niya ang pizza at kahit anong flavor ay kinakain niya. Kaya nga niyang umubos ng mahigit isang box. Bigla ring nag-ingay ang tiyan niya sa gutom. Masyado siyang nawili sa ginagawa at hindi na niya namalayan ang oras. Hindi na tuloy siya nakapag-merienda.

Natawa si Brie. "O, nag-iingay na 'ata 'yang mga alaga mo riyan... Baka gusto mo nang buksan ang gate."

"At sinong maysabi sa 'yong papapasukin kita?" Pagtataray pa rin ni Lorraine.

Nagkibit-balikat si Brie. "O, sige... Akin na lang 'tong pizza. Ayaw mo naman pala eh," anitong ibinaba na ang kamay na may hawak na pizza. Humakbang na ito ng isa paharap sa sariling bahay.

Parang gusto naman itong pigilan ni Lorraine. Nagugutom na talaga siya at takam na takam na sa dala nito. Malayu-layo din sila sa bayan at aabutin pa ng thirty-minutes kung mag-o-order pa siya. Pero tinalo na siya ng hiya. Nang akala niyang hahakbang na itong palayo ay bigla nitong ikiniling pabalik ang ulo.

"Ayaw mo ba talaga?" Tanong nitong may naglalarong mapanuksong ngiti sa bibig.

Napalunok muli si Lorraine at pagkuwa'y tinaliman ito ng tingin. "Ayoko. Kainin mo 'yang mag-isa mo," aniya at matapos magtanggal ng gloves ay tinalikuran na ito upang pumasok ng bahay.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon