29. Mystery

4.6K 266 39
                                    

TO SAY that she was surprised was an understatement. Napakurap si Brielle habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Lorraine. "P-Para sa'kin? Alam mo bang pupunta ako rito ngayon?" Naisip niya si Devin. May posibilidad na ito ang nagsabi, pero ang alam niya ay wala namang kontak ang dalawa.

"I was always waiting." Linagyan na siya nito ng pagkain sa plato. "I know you'll come."

Kikiligin na ba siya? Magtatalon na ba siya sa tuwa? Sa totoo lang ay hindi alam ni Brie ang mararamdaman sa mga oras na iyon. "Are you playing with me, Lorraine?" walang-emosyong tanong niya.

"I would never play with you, Brie. Hindi ako mapaglarong tao," sagot naman nito.

"Then why are you doing this? Nang  nakaraan lang sinasabi mong natutuwa ka na mawawala na 'ko sa buhay mo, then suddenly, ang bait at ang sweet mo sa'kin? Tapos 'di ba may boyfriend ka? Are you kidding me?" pigil ang inis na tanong niya. Dapat maging masaya siya na ganito ang nangyayari, pero pakiramdam niya ay may mali.

Lorraine wasn't herself and it was scaring her.

Bumunot ng hininga si Lorraine bago sumagot. "Ipapaliwanag ko ang lahat mamaya, pero puwede bang kumain na lang muna tayo? I want us to pretend that we're happy...kung puwede sana..."

Isang panibagong hiwaga na naman ang request nito sa kanya. Hindi siya komportableng nakikita itong kalmado lang, mas komportable siyang inaaway nito o hindi kaya tinatarayan. "Tinatakot mo 'ko, Lagring. Ano ba talagang nangyayari?"

Bigla nitong inabot ang kamay niyang may hawak na ng kutsara. Napapiksi pa siya nang pisilin nito iyon. "Please..." muli nitong pakiusap sa nagmamakaawang mga mata. "Just think that it was our last dinner together. Gusto mo bang nag-aaway pa tayo sa huling pagsasalo natin sa pagkain?"

Sa sinabi nitong iyon ay biglang sinakmal ng kaba ang dibdib ni Brie. Last dinner? Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Agad niyang binitawan ang kubyertos at ikinulong sa sariling kamay ang nakapatong nitong palad sa kanya. "Tell me. Ano ba talagang nangyayari?"

Ipinatong naman nito ang isa pang palad sa kamay niya. "Huwag ka munang masyadong magtanong, okay. Kumain na lang tayo. Please?"

Lalo pa yatang dumami ang question mark sa ulo ni Brie. Napatiim siya. "No. Gusto kong tarayan mo 'ko, singhalan mo 'ko, magalit ka sa'kin. Hindi ang ganito. Tinatakot mo 'ko, Lagring."

Napabuntung-hininga si Lorraine. Hindi na napigilan ang pagtulo ng luha sa mata. Agad naman nitong pinahid iyon. "Fine. Sige, sasabihin ko sa'yo. This might be really our 'last dinner' together."

Napahiwalay dito ng kamay si Brie. "Ano bang sinasabi mo? Hindi na nakakatuwang biro 'to, Lorraine," may bahid na ng galit ang tono niya.

"I'm not joking..." walang kasing-seryosong wika nito.

"I'm not buying it. Huwag mo nga akong pinag-t-tripan diyan. Hindi nakakatuwa!" paasik niyang wika.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon