32. Gone

4.4K 228 27
                                    

BRIELLE woke up with a groan. Namimigat ang talukap ng kanyang mga mata. Sa unang pagmulat ay wala pang rumehistro sa utak niya, ngunit ramdam niya ang kakaibang bigat ng dibdib.

Wala sa sariling napatitig siya sa kisame.

Isang segundo.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Unti-unti ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Nagsimulang bumuhos sa isip niya ang mga kaganapan nang nagdaang gabi. Agad siyang napabiling ng ulo niya sa tabi.

'Lorraine.'

Inaasahan niyang makita ang mukha nitong tila parating inis, ang mga mata nitong laging nakairap, at ang bibig nitong kahit parating nakaingos ay parang laging nag-anyayang halikan...

Pero wala. Tanging gusot na kubrema at puting unan ang sumalubong sa mga mata niya.

Napabalikwas siya ng bangon. Nabaling ang paningin sa isang gilid. Wala na rin doon ang mga maletang nakita niya kagabi.

That was when it dawned to her... Lorraine was already gone. Iniwan na siya nito.

Lupaypay siyang napayuko. Tahimik na bumagsak ang luha sa noon ay namamaga na niyang mga mata.

'Madaya. Ang daya mo, Lagring.'

Ilang sandali siyang ganoon.

Maya-maya ay napaangat siyang muli ng tingin sa kisame. "F—k it. I was supposed to have a funny love story, and not this twisted drama." Isang nanghihinang buntung-hininga ang pinakawalan niya. "Why? Just why?"

Bigla ay may narinig siyang pagbukas ng pinto. Agad siyang napalingon sa direksyong pinanggalingan noon. May pag-asang bumangon sa dibdib niya. Mabilis siyang napababa ng kama at lumabas.

"Lorraine?" tawag niyang may pag-asam.

Subalit agad ring nadurog ang pag-asang iyon nang imbes na si Lorraine ay tatlong kalalakihan ang nabungaran niya. Nakasuot ng pare-parehong uniporme ang mga ito. May nakasulat na "J Movers".

"Ay, good morning po, Ma'am." Bahagya pang yumukod ang isa.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Brielle. "Sino kayo? Pa'no kayo nakapasok dito?"

"Moving service po, Ma'am. Inarkila kami ni Ma'am Lorraine. Kayo po siguro ang kaibigan niyang si Brielle. Nabanggit ka po niya sa'min. Nandito po kami para kunin ang mga naiwan niyang gamit," paälam ng lalaki.

"Ah..." Napatango na lang si Brie. Sumampal sa mukha niya ang reyalidad na talagang wala na nga si Lorraine.

Ngumiti naman ang lalaking kausap niya at bahagya pa munang yumukod,  saka nagpunta sa mga kasamahan upang tumulong.

Pumasok na muna siyang muli sa kuwarto. Nanatili siyang nakatayo lang sa gitna. Nang dumapo ang mga mata  sa kama ay nakita niyang nandoon na at nakatupi ang suot niyang damit kagabi, kasama ang jacket. Dinampot niya iyon. Mukhang bagong laba na ang mga iyon. Siguro bago umalis ay nilabhan pa iyon ni Lorraine. Automatic naman kasi ang washing machine nito. Noon lang din niya naalalang naka-sando at maiksing shorts lang siya. Kaya pala kanina ay kakaiba ang pinupukol na tingin ng tatlong lalaki sa kanya. Nakaramdam siya ng inis at napakamot sa ulo. Ni-lock na niya ang pinto at nagbihis.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon