33. The Moment of Truth

4.5K 260 62
                                    

SA sinabi ni Trish ay napalipad ang tingin ni Brie kay Mario. Nakatingin naman sa kanya ang huli at parang gustong tumakbo sa hitsura.

Napaismid siya. "Anong pinang-blackmail mo sa taong 'yan para magsalita?" curious niyang tanong kay Trish. Hindi si Mario ang tipong madaling matakot kaya nagtataka talaga siya.

"Basta," sabi lang ni Trish, "sasabihin na niya ang lahat kaya halika na." Hinila na rin siya nito. Pinaupo lang siya nito sa loveseat. Pagkatapos ay bumalik na ulit sa puwesto nina Mario at Candy na nasa pinakamahabang sofa.

Tumabi naman sa kanya si Devin. Hindi na siya umangal kahit may isa pang bakanteng loveseat na naroon.

"Okay, Mario. Spill," ang utos ni Trish.

"Sinabi ko na sa inyo, ayoko ngang gawin 'to." Bakas ang labis na pagtutol sa mukha ng lalaki.

"O, sige. Maghiwalay na rin tayo kung gano'n!" asik naman ni Candy. "Bukas na ang kasal ni Lorraine, hindi mo man lang ba bibigyan ng chance si Brie na humabol?"

Asar na napakamot sa likod ng ulo si Mario. "Ba't ba kasi pumapasok ka pa rito? Kailangan mo ba talagang isali ang relasyon natin?"

Napatanga naman si Brie sa mga ito. "Teka... Kayo na? Kailan pa? Pa'nong nangyari?" sunod-sunod niyang tanong. Mukhang tanging siya lang ang hindi informed.

Parehong namang namula ang mukha ng dalawa.

"Ah..." Biglang nailang si Candy. "Basta," pag-d-dismiss nito sa usapan at binalingan muli si Mario. Pinandilatan ang lalaki. "Sabihin mo na kasi!"

"Hayy..." Inis na muling napakamot sa ulo si Mario. Parang ayaw pa rin talaga nitong sabihin.

"Hoy," baling naman dito ni Trish , "kung totoong nagmamalasakit ka sa pinsan mo, iisipin mo ang mas makakapagpasaya sa kanya. Si Brie ang mahal niya at hindi 'yong pakakasalan niyang lalaki. At puwede bang maging considerate ka naman kay Brie? Mag-bestfriend kayo 'di ba? Ang sama mo ring kaibigan, eh."

Mukhang hindi pa rin natinag si Mario. "Oo, sabihin na nating magiging masaya nga siya kay Brie. Pa'no naman ang kaligtasan niya, ha?"

Nakuha ang atensyon noon ni Brie.

"Ano namang ibig mong sabihin?" Naunahan na siya ni Trish na magtanong.

"Hay... Hindi ko nga puwedeng sabihin sa inyo, ano ba?" nakukulitan nang wika ni Mario.

Natampal naman ito ni Candy sa braso. "Akala mo ba nagbibiro ako sa banta ko, ha? Totohanin ko talagang makipaghiwalay sa'yo, makikita mo!"

"Candy naman..." protesta ni Mario.

Dinaan lang ito sa tingin ng isa. "Kapag hindi mo pa sinabi ngayon, wala na tayo," buong-kaseryosohang sabi. "Ipinapakita mo lang na wala kang kuwentang kaibigan. At ayoko sa lalaking katulad mo."

"Hindi mo naman kasi naiintindihan!" giit pa ni Mario.

"Eh di ipaliwanag mo. Pa'no naman namin maiintindihan kung hindi mo sasabihin, ha?" high-pitch ding ganti ni Candy.

Maang na lang na napalipat-lipat ng tingin sa dalawa si Brie. She still couldn't wrap around her head that the two were together. At mukhang hiwalayan blues na agad ang drama ng dalawa dahil sa kanya. Gusto niyang matawa sa kabila ng lahat.

"Kung hindi mo sasabihin, sige lumabas ka na!" Itinuro pa ni Candy ang pintuan. "Huwag na huwag ka na ring lalapit pa sa'kin!" Medyo emosyonal na ito.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon