26. Opportunity Knocks Only Once

4.4K 225 79
                                    

MEDYO nanginginig ang mga kamay ni Lorraine habang binubuksan ang gate. Ramdam pa rin niya ang mga mata ni Brie sa kanyang likuran. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Parang gustong-gusto na niyang lumayo mula rito na ayaw niya. Hindi niya maintindihan ang sarili.

Bigla niyang naramdaman ang pagkalabit ni Brielle. Nagtatanong ang matang nilingon niya ito. Nagulat pa siya nang bigla na lang itong dumukwang palapit sa kanya.

It was a split second. Hindi agad rumehistro sa isip niya ang nangyari, basta't naramdaman niya ang paglapat ng malambot at masarap na bagay sa mga labi niya. It was gone before she could realize what happened.

Tuod na napatulala sa kinatatayuan si Lorraine. Nahaplos ang bibig.

Did she just... kissed me?

Sa pagkurap niya ay hindi na niya namataan si Brie. Nang lumingon siya sa kaliwa ay nakita niyang papasok na ito ng sariling tarangkahan. Halos patakbo at magkandadapa-dapa pa. Naiwan pa nitong bukas ang gate.

Ang babaeng 'yon... Tapos iniwan lang ako? Napaawang ang bibig niyang hindi makapaniwala. Nahaplos niyang muli ang mga labi. Ramdam niya ang biglang panghihina ng kanyang mga tuhod. Napahawak siya sa gate upang suportahan ang sarili.





"SHIT. Shit. Shit," paulit-ulit na mura ni Brielle sa sarili habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. "What have you done, Brie???"

Gusto niyang iuntog ang ulo sa pader.

"What were you thinking? Damn it!" inis pa niyang turan sa sarili.

Tapos tinakbuhan mo lang siya. Inis na napaungol siya nang maalala iyon.

"You're such an idiot!" Pabagsak siyang napaupo sa sofa. Napasabunot sa sarili. "Pa'no ko na siyang haharapin ngayon?"

Ilang sandali ring nakaupo lang siya sa sofa. Halos hindi pa rin makapaniwala sa sariling kalukuhan.

Nang tingnan niya ang wall clock ay mag-a-alas dos na. "Wow. Halos isang oras na 'ko rito?"

Lumapit siya sa bintana at sinilip ang kabilang bahay. Sarado lahat ng bintana doon. Nakapinid din ang mga kurtina kaya't hindi niya makita ang loob.

Lalayo na sana siya mula sa bintana nang makita niyang lumabas ng front door si Lorraine. Bihis ito at mukhang paalis. Nakumpirma ang hinala niya nang buksan nito nang maluwag ang gate, pagkatapos ay inilabas ang kotse. "Sa'n siya pupunta?"

Nagmadaling lumapit sa pintuan si Brie. Gusto sana niyang mahabol ito, pero nabitin sa door knob ang kamay niya. Ano namang sasabihin ko?

Napaangat siya ng mukha nang marinig na ang papaalis na makina ng kotse. Agad niyang binuksan ang pinto, ngunit huli na siya nang makalabas. Nakaalis na ito. Binalot ng panghihinayang ang puso niya.

9:45 pm.

Napatitig ulit sa wall clock si Brielle. Sumilip siyang muli sa kabilang bahay mula sa nakabukas na bintana. "Ba't wala pa rin siya?"

Tiningnan niya ang hawak na cellphone. Kanina pa niyang gustong tawagan o i-text ito, pero tinatalo siya ng hiya.

Nang gabing iyon ay hindi umuwi si Lorraine.

Sumapit ang umaga at Linggo na, subalit wala pa ring Lorraine ang nagpakita. Buong araw din itong hindi umuwi.

Pananabik. Pag-aalala. At takot. Iyon ang tatlong bagay na nararamdaman ni Brielle. Sinubukan niyang i-text si Lorraine pero hindi ito sumagot.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon