43. Ang Duwelo

4.4K 272 70
                                    

ITINIGIL ni Brie ang sasakyan sa tapat ng isang katamtamang bungalow. Napipinturahan ng puti ang dingding at ang bubong naman ay parang nag-aagaw na kayumanggi at pula.

"Sigurado ka ba talaga rito?" biglang tanong ni Lorraine sa tabi niya. "My parents won't let you in, for sure."

Nasa harap sila ng bahay ng mga ito. Nagpalipas muna sila ng tatlong linggo sa Isla del Mundo. Nagpagaling muna siya ng mga tinamong sugat bago lumuwas ng Maynila.

Brielle just smiled confidently. "Wala ka bang tiwala sa charm ng asawa mo?" parang walang-anumang tanong niya. Ang sarap sa dila niya na banggitin ang salitang 'asawa'. Though legally, they weren't binded, for her, they were already married.

Napaikot ng mga mata si Lorraine sa sinabi niya. "Hindi mo kilala ang mga magulang ko. Hindi mo basta mapapagbago ang paniniwala nila. Narinig mo naman ang mga sinabi nila no'ng nasa ospital, 'di ba?"

Walang duda si Brie sa ideyang iyon. "Nai-imagine ko nga na lalabas silang may dalang crucifix at holy water. Tapos 'yong isa sa kanila may dala namang torch at pitchfork. Then sisigaw sila ng... ‘Sunugin ang kampon ng demonyo! Sunugin!’" Itinaas pa niya ang isang kamay na parang ginagaya ang naisip. Natawa siya sa sariling kalukuhan. Natigil lang siya nang makitang seryoso ang mukha ni Lorraine.

"At ginawa mo pa talagang katatawanan ang lahat, ano? Magseryoso ka nga!" paangil nitong sabi.

Napakamot naman sa ulo si Brie. "‘To naman... Bumabalik na naman ang kasungitan mo."

"Puro ka kasi kalukuhan," asik pa nito.

"Masyado ka kasing tense. Relax lang, okay? Akong bahala," puno ng kumpiyansang wika ni Brie. "Tara na." Binuksan na niya ang pinto upang lumabas. Bantulot namang sumunod si Lorraine.

Kinuha muna nila ang mga dalang pagkain sa backseat. Bumili na sila ng pang-dinner. Pagkatapos ay lumapit na sila sa tarangkahan at nag-doorbell.

Ramdam ni Brie ang kabang nararamdaman ni Lagring. Inilagay niya sa iisang kamay ang bitbit na dalawang malaking paper bag at inakbayan ito. "‘Wag kang matakot, okay? Magtiwala ka lang sa pagmamahalan natin. Malalampasan natin 'to."

Umangat ang gilid ng bibig ni Lorraine. "Ang corny mo," anito at bahagya siyang binunggo sa gilid. May bitbit naman itong isang box ng cake.

Napatawa lang si Brie. "Chill lang kasi tayo."

Napabaling sila pareho nang pumihit nang pabukas ang pinto. Hindi tinanggal ni Brie ang pagkakaakbay kay Lorraine.

Si Amor ang sumilip sa pinto. Nang una ay nakakunot ito, ngunit nang makita sila ay tila hindi mapagdesisyunan kung anong magiging reaksyon.

Agad namang itinaas ni Brie ang kamay. "Hi, ‘Ma! Good evening po!" ang bati niya. Pagabi na rin noon at nagsisimula nang magdilim.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Where stories live. Discover now