11. Pen

4.2K 230 35
                                    

Dedicated to my most active reader here. MaroStultus. Salamat sa mga kulitan.

🐒🐒🐒🐒









SINUNDAN ni Trish ang tinitingnan ni Brielle. "What do you mean?" Kunot-noong tanong nito.

"Kailangan na nating kunin ang mga gamit natin. Bilis!" Ang wika lang ni Brie at hinablot na si Trish papuntang locker room. Hindi na rin ito nakapagprotesta pa.

"What's the rush? Sa'n ba tayo pupunta?"

"Basta."

Sa gilid ng mata ni Brie ay nakita pa niyang tumigil si Gelai nang salubungin ng manager.

Dali-dali na niyang hinila papasok ng locker room si Trish.

Naabutan nila ang ibang staffs na nasa loob din. Naghahanda na rin ang mga ito para umuwi.

Nagulat pa ang mga ito sa bigla nilang pagpasok.

"O, nandito na pala kayong dalawa," si James.

"Hi," medyo awkward na bati dito ni Trish. Hati ang atensyon nito dahil nakatingin din kay Brie na dire-diretsong binuksan ang locker na kinalalagyan ng mga gamit nila.

"Ngayong araw lang pala kayo, 'no?" Ang wika naman ni Grant.

"Ah... Oo," si Trish pa rin ang sumagot.

Nang mabuksan ni Brie ang locker ay agad na rin niyang kinuha ang mga gamit nila. Pagkatapos ay hinila na muling palabas si Trish. "Halika na!"

"T-Teka... Magbibihis pa tayo. Kailangan nating isoli ang mga uniforms!" Pigil sa kanya ni Trish.

"Wala na tayong oras!" Brie exclaimed in a hushed tone.

"Oo nga pala. Lalabas kami, gusto niyong sumama?" Agaw ni Grant sa atensyon nila.

Tumingin dito si Trish na hindi alam ang isasagot. "Ah... Hey —"

Hindi na ito naituloy ang ano mang sasabihin dahil hinila na naman siya ni Brie.

"Sa susunod na lang, guys! Siguro magkikita-kita pa naman tayo!" Sigaw ni Brie sa mga ito at tuloy-tuloy na niyang hinila palabas si Trish.

"Ano ba, Brie!"

Sa labas ay naroon ang manager. Nang makita sila nito ay kinuha ang dalawang puting sobre na nakapatong sa counter. "O, kayong dalawa nandito na ang — "

" — bye, Sir! Salamat na lang po!" Inunahan na ito ni Brie sa kung ano mang sasabihin. Walang lingon-likod na linampasan na ang manager. Hila-hila pa rin si Trish na wala namang magawa.

Kunot-noong napasunod na lang ng tingin ang manager. Tiningnan ang mga sobreng hawak at hindi alam ang gagawin doon. Iyon dapat ang sahod ng dalawa.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Where stories live. Discover now