24. This is.... It!

4.7K 237 31
                                    

"HAYY... Ano ba naman, Brie!" Inis na napasabunot sa sariling buhok si Brielle. Hindi na talaga niya kaya ang pag-iiwasang nagaganap sa kanila ni Lorraine.

Hindi pa rin natitibag ang makapal na pader sa pagitan nila matapos ang outing, at halos isang linggo na ang lumipas. Weekend na naman.

Nagpalakad-lakad siya sa kanyang kuwarto. Para siyang engot sa hitsura — gusot-gusot at nakalilis sa balikat ang maluwag na puting damit, umabot na hanggang tuhod ang jagger pants na suot, at ang kanyang buhok ay nagmistulang nest na ng ibon sa pagkakagulo. Alas-diyes na at kanina pa siyang gising. Ni halos hindi rin siya nakatulog at ilang araw na rin iyon. Kitang-kita iyon sa nangingitim na palibot ng kanyang mga mata.

"Hindi ko na talaga kaya..." daing niyang napatingala pa sa taas, pagkatapos ay ibinagsak ang sarili sa kama. "I missed her," pag-amin niya. Napamura pa siya at napasabunot na naman sa sarili. Napatitig sa kisame. "Iniisip niya rin kaya ako?" ang parang tanga niyang tanong.








WALANG maririnig na ingay sa paligid, parang walang-buhay ang lahat, katulad na lang ng nararamdaman ni Lorraine ng sandaling iyon.

Tulala lang siyang nakaupo sa hapag. Naka-steady lang ang kamay na may hawak na tinidor. Nakapatong iyon sa isang mangkok na may lamang Lucky Me. Kasing-saklap ng pagkain niya ang hitsura ng kanyang mukha. Singgulo din ng utak niya ang kanyang buhok.

Isang mabagal at mahinang buga ng hangin ang lumabas sa bibig niya.

Nang biglang...

'Ding! Ding!' ang tunog ng doorbell.

"Ay, kabayo!" nagitlang sigaw niya at kamuntikan pa siyang makapagmura. Bumagsak ang tinidor sa mangkok at nagtilamsikan ang sabaw ng Lucky Me sa mukha niya. 

"Unggg!" Napaungol si Lorraine dahil sa pagkainis. Napatayo.

'Dinggg! Dinggg!' ang muling tunog ng doorbell. Mas malakas at mas mahaba.

"Sino ba 'tong buwisit na 'to??" inis niyang angil sa sarili. Galit na sana siyang magmamartsa palabas, nang biglang mapagtanto kung sino ang maaaring nasa labas.

Napatigil siya sa gitna ng komedor. Biglang nasapo ang mukha at napatingin sa sarili. Tumakbo siya sa salaming nasa gilid ng pintuan ng kusina.

Napamulagat pa siya sa nabungarang repleksyon. "OMG. My face!"

Agaran siyang nag-ayos ng sarili. Inalis na lang ang magulong pagkakatali ng buhok. Pinunas ang tumilamsik na Lucky Me. Napangiwi siya dahil sa amoy niyon. Tumakbo siyang muli sa kusina at naghilamos ng mukha.

Patuloy pa rin ang pagtunog ng doorbell.

Dahil walang makitang pamunas ay ang dulo na lang din ng damit ang ginamit. Pagkatapos ay mabilis na niyang tinakbo ang pinto. Humugot muna ng malalim na hininga bago buksan iyon. Inilabas niya ang ulo, at sinilip ang gate.

Du-du-dun, du-du-dun. Iyon ang tunog ng pagkabog ng dibdib niya.








NAKAYUKO sa sementadong pathway si Brie. Sinisipa-sipa ang inosenteng maliit na bato.

Napaangat bigla ang mukha niya sa narinig na pagbukas ng pinto.

Dug. Dug. Dug. Ang tambol ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng taong dumungaw mula roon.

Sa tainga ni Brie ay parang may tumugtog na isang korning kanta, at parang gusto niyang matunaw nang mga sandaling iyon.

Isang alanganing ngiti ang gumuhit sa bibig niya. Pinagpawisang bigla ang mga kamay niyang magkasalikop sa likod.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon