28. Waiting For You

4.7K 277 68
                                    

DAHAN-DAHANG humarap si Lorraine kay Brielle.

Nagulat pa siya sa nabungarang hitsura nito. Ang puti nitong damit ay may bakat ng kung anu-anong mantsa, pati na ang pyjamas nito ay ganoon din. Ang pixie cut nitong buhok ay parang naninigas na. May nakita pa siya roong nakapulupot na isang piraso ng spaghetti noodles.

"What happened to you?" gilalas niyang tanong. Ramdam niya ang bigat ng dibdib. Alam naman niyang siya ang dahilan.

Tila hirap itong i-steady ang mga mata sa kanya. Namumula rin ang mga iyon. Medyo mabuway ang tayo nito at napahawak pa sa gilid ng dining table upang siguro ay huwag matumba.

"Shit happened," Brielle said in a slurred tone.

Nagsalubong ang kilay niya. "Lasing ka, ah."

Pagak itong napatawa. "What d'you care? Get out. I don't need you here," malamig nitong taboy. Nakaaalalay pa rin ang kamay sa gilid ng mesa. Bahagyang nakaangat ang ulo nito na tila bigat na bigat ito doon.

Hindi maiwasang masaktan ni Lorraine sa pinapakita nitong hostility. "Ba't ka ba nagkakaganyan?"

Iniikot nito ang mga mata, kahit pa parang umiikot na iyon nang kusa. "Again... what d'you care? Puwede bang umalis ka na lang?" medyo bastos nitong sabi. Habang nagsasalita ay sumasabay din ang ulo.

"Ngayon, ako nang itinataboy mo?" aniya rito. Hindi niya alam kung nahimigan nito ang paghihinanakit sa boses niya. "Dati-rati ikaw itong laging gumagambala sa'kin," sumbat pa niya.

"Eh 'di magsaya ka na. Ngayon, wala nang gagambala sa'yo. Hinding-hindi na 'ko lalapit sa'yo kahit kailan!" pasinghal naman nitong saad.

Parang kinukutsilyo naman ang puso ni Lorraine sa biglang malamig na pakikitungo nito. Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa lasing ito. Nag-init ang sulok ng mga mata niya pero hindi niya pinahalata. "So, gano'n na lang? Matapos mong guluhin ang nananahimik kong buhay, itataboy mo 'ko?"

Tila galit ito nang biglang mapakamot sa likod ng ulo. "Eh 'di ba 'yon naman ang gusto mo? Ang tantanan kita? So, 'yan... Sige na," ibinuka pa nito ang dalawang kamay, "tatantanan na kita. Kaya lumabas ka na rito," pagtataboy muling itinuro pa ang pintuan. "Get out."

Nagpuyos ang damdamin ni Lorraine. "Fine." Itinaas niya ang noo rito. Siguro nga ay wala na rin siyang magagawa pa. Mas mabuti na rin sigurong matapos nang ganito. "Mas mabuti nga kung gayon. Wala nang makulit na mambubuwisit sa'kin lagi, wala nang istorbong laging maninira ng araw ko, at walang nakakaasar na tomboy na laging bubuntot-buntot sa'kin!"

Ganoon man ang mga lumabas sa bibig niya ay iba naman ang sinasabi ng puso niya, ngunit hindi niya puwedeng aminin ang mga bagay na iyon.

Nakita niya ang sakit na gumuhit sa mukha ni Brielle dahil sa mga salitang binitawan niya. Parang gusto tuloy niyang bawiin ang mga sinabi. Pero huli na.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon