12. Pagbabalik

4.6K 227 28
                                    

MATAMANG pinagmasdan ni Brie ang bawat kilos ni Gelai. Hindi ito lumingon nang tawagin niya, ngunit nakita niya ang bahagyang panginginig nito.

"Pen," ulit niyang tawag dito.

Hindi pa rin ito tuminag at nagpatuloy lang sa pagbubukas ng pinto ng gate.

Si Trish na magkakrus ang dalawang braso ay napailing na lang. Hindi talaga ito kumbinsidong si Pen at si Gelai ay iisa.

"Pen, alam kong ikaw 'yan," hindi pa rin sumuko si Brie.

Nabuksan na rin ni Gelai ang pinto bagamat mukhang tensyonado ito. Nagkunwari itong walang naririnig at anyong dideretso na sa loob nang tawaging muli ni Brie.

"Gelai!"

Napabuntung-hininga ito at nilingon sila. Tila iritado ang mukha. Nangunot pa ang noo nito nang makilala sila. "Kayo? Sinundan niyo ba 'ko rito?"

"Ikaw si Pen, 'di ba?" Sa halip na sagutin ito ay tanong ni Brie.

"Pen? Nagbibiro ba kayo?" Tila hindi makapaniwalang tanong din nito.

Sandaling parang nagdalawang-isip din si Brie.

Tama nga ba ang hinala niya?

Napabilang si Pen sa listahan ng Most Influential Asians dahil sa mga revolutionary books na isinulat nito. Posible bang ang babaeng nasa harap niya, na kagaya ng sinabi ni Trish ay mukhang broke na kolehiyala, ay si Pen? At sa pagiging napakasikat at napakayamang writer, posible bang ang babaeng ito na puno ng kahungkagan ang mga mata, ay ang manunulat na iyon?

"Sabi ko naman sa 'yo, imposible na maging siya si Pen," komento naman ni Trish sa likod niya.

"Hindi nga ba?" Ikiniling ni Brie ang ulo kay Gelai. Bagamat base sa mga nakikita ng kanyang mata ay ni walang bakas ng Pen dito, iba ang sinasabi ng kutob niya.

"Sinundan niyo 'ko hanggang dito, dahil akala niyo ako si Pen?" Taas-kilay ni Gelai, "sino ba talaga kayo?"

Ngumiti ng tipid si Brie. "All right. Magpapakilala kami. Staffs kami ng Rainbow Productions, at hina-hunting namin si Pen."

"Brie!" Hinawakan ni Trish sa braso si Brielle, "huwag mong i-disclose sa kanya ang identity natin, ano ba..." Saway nito sa mahinang tinig.

Hindi nagpaawat si Brie. "Kung sakaling siya si Pen, at kung gusto talaga natin siyang makausap, kailangang huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa," pagrarason niya kay Trish.

"And what if she's not? Baka ibuko niya ang pagpapanggap natin," pabulong pa ring kontra ni Trish.

"Umalis na kayo. Hindi ako ang hinahanap niyo."

Naputol ang pagtatalo nila nang magsalita si Gelai. Tumalikod na ito pagkatapos.

"Sige, babaguhin ko ang tanongkilala mo ba si Pen?" Habol dito ni Brie.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon