19. A Scary Thing

4.5K 268 44
                                    

Dedicated to Shingain. One of my old and first readers. I still see her here. Thank you for sticking.

🐕🐕🐕🐕







"BAKIT nga ulit ako sumama sa 'yo?" Pakiramdam ni Lorraine ay naguyo lang siya ni Brie upang sumama sa outing ng mga ito. Parang gusto na talaga niyang maniwala na alagad nga ito ni Lucifer.

Matapos ang huling pag-uusap nila ay galit na galit talaga siya rito. Talking about sex was something she considered as taboo.

Nakita ni Lorraine ang pagguhit ng ngisi sa bibig nito. She really hated Brielle's smirk, but it was the same thing that drawn her out towards the annoying neighbor.

Brielle really had a charming smile, and she hated herself for admiring it.

"Kasi charming ako, kaya hindi ka makatanggi sa 'kin," ang sagot naman nitong parang nabasa ang isip niya. Punong-puno ng kumpiyansa sa sarili.

Napaismid si Lorraine. Isa pa iyon sa kinaiinisan niya rito. "Di ka rin naman mayabang."

Ngumiti lang si Brie. "Totoo naman 'di ba? Tingnan mo, sumama ka pa rin sa 'kin. Akala ko nga, tuluyan ka na talagang nagalit nang nakaraan."

Tumaas ang gilid ng bibig ni Lorraine. "I am. Don't you ever bring up that again," may halong pagbabanta na wika niya rito.

"Yeah. Yeah. I've learned my lesson. Nakakatakot ka kasing magalit," napapailing nitong tugon.

"Buti naman." Isinandal ni Lorraine ang ulo sa backrest ng upuan. Nasa loob sila ng kotse at bumibiyahe patungo sa isang resort sa Antipolo.

Nakabukas lang ang bintana at malaya nilang nalalanghap ang sariwang hangin.

Napatitig siyang muli kay Brielle. Ang linis nitong tingnan sa suot na puting loose t-shirt. Mabining nililipad ng hangin ang pixie cut nitong buhok. Parang naging  blonde ang kulay niyon dahil sa sinag ng araw. Brielle's long eyelashes was fluttering on the sunlight. Lalo ding tumingkad ang medyo light-brown nitong mga mata.

"Huwag mo 'kong masyadong titigan; baka matunaw na 'ko niyan," biglang biro nito at napangisi.

"Feelingera," irap niya. "I'm just curious... May lahi ka ba? Iba kasi ang features mo sa natural na Pilipino." Pati ilong kasi nito ay napakatangos din.

"My mother was Spanish."

She turned at Brielle with a surprise face. "Oh, really?"

". Estas sorprendida? [Are you surprised?]"

"Huwag mo 'kong ini-espanyol. Hindi kita naiintindihan."

Napabungisngis naman si Brie sa kanya.

"Wait   —   " may naalala si Lorraine sa sinabi nito, "   —   was?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon