31. Roller Coaster

4.5K 238 38
                                    

"HINDI ba puwedeng maging tayo na lang?" Nakikiusap ang tono ni Brie. Ramdam niya ang desperasyon sa dibdib. "Magtanan tayo. Pananagutan naman kita at kayang-kaya rin kitang buhayin."

Magkaharap pa rin silang dalawa ni Lorraine sa ibabaw ng kama.

Ngumiti ito sa sinabi niya pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. "I'm sorry, Brie... Hindi talaga puwede." Mukhang naka-set na talaga ang utak ni Lorraine.

"Hindi puwede. Hindi puwede... Nakakarindi na ang mga salitang 'yan," ani Brie na medyo inis na. "Hindi mo naman sinasabi sa 'kin ang dahilan, kaya pa'no ko maiintindihan?"

"Brie, please..." Mukhang hirap na rin si Lorraine, "ikaw lang din ang iniisip ko. Ayokong idamay ka sa gulo ng buhay ko. Mas pipiliin ko pang lumayo na lang sa'yo kaysa manganib ka rin."

Naningkit ang mga mata ni Brie dahil doon. "Manganib? So, nasa panganib ka ngayon? Bakit hindi mo kasi sabihin sa'kin!" Tumaas na ang boses niya. "Matutulungan kita. Sabihin mo lang."

Umiling-iling si Lorraine. Nakita ni Brie ang takot sa mga mata nito. "Hindi," mariin nitong tanggi, "you're out of this, Brielle. Huwag mo nang susubukang makialam pa. Narinig mo 'ko?" Napahigpit ang hawak nito sa kamay niya.

Lalo pang sumidhi ang kuryusidad ni Brielle. "Don't leave me in the dark, please. Sabihin mo sa'kin. I promise you, kayang-kaya kitang tulungan — "

" — sinabi nang hindi!" Nagtaas na rin ng boses si Lorraine. "Puwede bang for once tigilan mo muna ang pagiging makulit. Please? I want you to be safe. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa'yo. At magiging ligtas ka lang kung lalayo ako sa'yo."

Ibinuka ni Brie ang bibig upang sana ay magprotesta pero agad siyang pinutol ni Lorraine.

"... and that's final!" madiin nitong pahayag.

Brielle released an exasperated sigh. Napailing siya. Mukhang kahit ano pang gawin at sabihin niya ay hindi na magbabago pa ang isip ni Lorraine. Napasandal na lang siya sa headboard ng kama. 

Lumapit naman sa kanya si Lorraine. Pumuwesto ito sa gilid paharap sa kanya. "Sana maintindihan mo, Brie. Para sa'yo rin 'to. At gagawin ko 'to para rin sa kaligtasan ko. Jace will protect me. He always does."

Nakakunot na tiningnan ito ni Brie. "But I can protect you too. Isa pa, hindi mo naman siya mahal. Sabi mo, ako ang mahal mo, 'di ba? Bakit hindi ako ang piliin mo?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon