45. Ang Panibagong Simula

7.6K 293 93
                                    

DALAWANG araw nga ang lumipas ay lumipad patungong Spain sina Brielle at Lorraine. Kasama rin nila ang mga magulang ng huli. Doon napili ni Brie dahil na rin sa iyon ang tinubuang lupa ng kanyang namayapang ina.

May malalayo silang kamag-anak doon ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa mga ito. Miminsan lang silang magpunta ng Spain nang buhay pa ang mga magulang. May balak rin siyang dalawin ang mga kamag-anak ngunit siguro'y pagkatapos na lang ng kasal. She was just too eager to get married and legally claim Lorraine as her wife. Baka mamaya ay may kung ano pang mangyari at mabulilyaso na naman. She was that paranoid too. Sa tulong ni Atty. Mendez na nauna nang magpunta roon ay naayos agad ang lahat ng requirements.

"Are you ready?" masuyong tanong ni Brie sa kanyang napakagandang bride. Magkalingkis ang kanilang mga braso habang naglalakad patungo sa opisina ng Mayor na magkakasal sa kanila.

Ngumiti naman si Lorraine sa tanong niya. "Of course," walang pag-aalinlangan nitong sagot. Kumikinang pa sa kasiyahan ang mga mata. "We have been waiting for this day."

Halos mapunit ang bibig ni Brielle sa pagngiti. Iba pala talaga ang pakiramdam na isiping legal na silang kikilalaning mag-asawa. "Oo nga, eh. Matapos kong tawirin ang napakalawak na karagatan, lakbayin ang napakatayog na bundok at makipagbakbakan sa mga dragon; finally... makakaisang-dibdib na kita," she said in exaggeration.

Lorraine laughed heartily. Naniningkit ang mapipilantik na mata. Lalo ring naging nakapansin-pansin ang laugh lines sa itaas ng bahagi ng pisngi nito. It was rather cute. Agad din itong napatigil nang mapansing napapalingon na sa kanila ang mga tao sa hallway. "Puro kabaliwan ka talaga," anitong bahagya pa siyang nasiko.

"Bakit? 'Yon naman talaga ang nangyari, 'di ba?" nakatawang turan ni Brie. Napailing na lang sa kanya si Lorraine. Habang nakatitig dito ay napuno ng paghanga ang dibdib niya. Napakaganda nitong tingnan sa puting tube dress na lampas-tuhod ang haba. May suot pang tiara sa ulo. Nakapusod naman ng mataas ang buhok kaya litaw na litaw ang maliit at korteng pusong mukha. "You're so beautiful. Now, you looked like a real princess," papuri niya.

Nakita pa niya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. Malawak ang ngiting bumaling ito sa kanya. "Why, thank you. And you looked like a real knight in that costume," anitong hinaplos pa ang logo sa bandang dibdib niya. Habang naglalakad sila ay lumilikha ng ingay sa tiles na sahig ang suot nitong crystal clear na stilleto.

Tiningnan naman ni Brie ang sarili. Pinasadya pa niya ang knight costume na iyon. Magkahalong puti at itim. May logo ng knight sa kanang dibdib. Hapit lang sa kanya iyon at kita pa rin ang kurba ng kanyang katawan. She grinned widely. "Ganda ko ba?"

Napapatawang umiling si Lorraine. "You really love flatteries, don't you?"

"Sasabihin mo lang naman, eh," medyo nakalabi niyang wika. "Siyempre masarap pakinggan ang papuri mula sa'yo."

"Oo na. Napakaganda mo. Wala nang ibang maganda sa paningin ko kundi ikaw lang." Pinagbigyan na siya ni Lorraine. Genuine naman ang pagkakasabi noon kaya't kinilig pa rin siya.

"Yiee..."

Napatawang muli si Lorraine at pabiro siyang nasikong muli.

Bigla naman silang nakarinig ng malakas na tikhim mula sa likuran. Napasulyap sila roon at agad na pinapormal ang mga mukha.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon