Prologue

409 32 55
                                    

A few months before Althea turns eighteen years old...

"In every end, there's always a beginning. Magtiwala ka lang na lahat ng nangyayari sa ating buhay ay nakabase sa Kaniyang plano. Hindi pa huli ang lahat, maaari ka pang magbago." Hanggang ngayon, parang naririnig ko pa rin ang boses niya... ang mga payo niya.

Malungkot ang araw na ito. Kung sabagay, lagi naman akong malungkot buhat noong malaman ko ang bagay na iyon. 

Ang isang katotohanang nagpabago sa tahimik kong buhay.

Ang isang bagay na sana noon ko pa nalaman.

"Althea, alam mo ba na maswerte ka? Hindi naman pwedeng mga masasamang pangyayari lang ang dapat mong makita. Mas marami pa ring magandang nangyayari sa buhay mo ang dapat mong ipagpasalamat. Kailangan mo lang talagang imulat ang iyong mga mata para makita mo ang mga ito."

Sa kaniya ko ito narinig. Dahil sa kaniya, napagtanto ko ang mga bagay na ito.

Pero ngayon, naliligaw ako. Hindi ko alam kung saan patungo ang direksyon ng buhay ko. HIndi ko alam kung paano ako makakabalik ngayong wala na ang aking gabay.

Paano ko ba ipagpapatuloy ang buhay ko kung hindi ko ulit makita ang mga magagandang nangyari sa buhay ko dahil sa mga problemang kinahaharap ko ngayon?

Paano ko mahahanap ang daan pabalik?

-Althea Leigh Villarin

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, recording, or any information storage and retrieval system without express written permission from the author. Plagiarism is a crime.

***


Trigger Warning:
This story may include disturbing contents such as self-harm that might trigger anxiety or depression. Read at your own risk.

Credits kay @sophiaa_keii kasi siya ang nag-edit ng book cover na 'to.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now