Chapter 4

27.7K 348 20
                                    

NOTE: Any historical inaccuracy is my fault and shall be remedied at final editing. Kung hindi man po maisaayos ang mga hindi tumpak na impormasyon tungkol sa kasaysayan ay mayroong maiiba sa concept ng istorya. Baka gawin kong parallel dimensions, rather than time travel. We shall see, as I don't want to bastardize history. This will not affect the story as a whole, don't worry.

For now, read on.
---

"BINIBINING Hidalgo, magandang umaga sa iyo."

Gustong dumura ni Concepcion sa harapan ng nagsalita, si Ginoong Damian Sevilla. Sabihing magalang ang pagbati ng lalaki at bahagyang yumukod, ang intensiyon nito ay hindi kailanman naging mabuti o malinis.

Noon pa ay kilala na niya ang lalaki dahil kakilala ito ng kanyang ama. Sa pagkakaalam niya ay mayroong negosyo ang mga ito. Pero nang pumanaw ang kanyang ama mahigit isang taon na ang nakakaraan ay nalaman niya na malaki pala ang pagkakautang ng matanda kay Damian. Kaya sana niyang bayaran ang lahat ng iyon kung hindi nanglamang si Damian sa pamamagitan ng pananakot at pagkuha ng kakampi sa praile at ang pumalit na gobernadorcillo. Malakas ang loob ni Damian gawin ang lahat ng iyon dahil isa ito sa mga lintang kay bilis kumapit sa may kapangyarihan at hindi marunong lumaban ang parehas.

"Ginoong Sevilla, maaga ka yatang napasyal para maningil? Hindi ba't sa katapusan ng buwan ang usapan natin?" aniya, nakataas ang noo. Hindi na kailangang malaman ng kanyang kausap na kahit sumapit ang katapusan ay wala siyang maibabayad dito. Paano niya mababayaran ang lalaki kung napakalaki ng interes ng pautang nito? Bukod pa roon ay tinaasan din ang kanyang buwis. Malinaw sa kanya ang panggigipit ni Damian at lahat ng iyon ay para makuha nito ang hacienda, kundi man ay pakasalan niya. Dahil iyon ang alok ng lalaki—ang pakasalan niya ito para makalimutan na ang lahat ng pagkakautang ng hacienda, o ang ibenta rito ang hacienda para kahit paano ay may makuha pa siyang kaunting pera. Sinabi niya ritong babayaran niya ang lahat. Noong nakaraang taon pa iyon. Kung hindi siya ginipit ni Damian, malamang na sa loob ng dalawang taon ay mabayaran na niya ang orihinal na halaga ng utang. Pero dahil sa dagdag na interes at sa tumaas niyang buwis, malaki ang posibilidad na magtagumpay si Damian na makuha ang lupain ng kanyang angkan.

Kung minsan ay gusto na ni Concepcion na sumugod sa mga Kastila, sigawan ang mga praile, palayasin ang mga ito sa kanyang bayan, pero alam niyang mayroong oras para sa mga ito at hind iyon ngayon. Darating ang tamang pagkakataon, kailangan lamang niyang maghintay.

"Nais ko lang sanang kumustahin ka, Concepcion."

Uminit ang ulo niya sa paggamit ng lalaki sa kanyang pangalan na para bang nasa ganoong lebel na ang kanilang relasyon para hindi ito gumamit ng tamang paggalang. Ano ang karapatan nito?! Gusto niyang singhalan ang lalaki pero alam niyang hindi iyon makakatulong, bagkus ay lalong makakasama.

"Mabuti naman ako, Ginoong Sevilla." Mas mabuti sana kung hindi mo ginamit ang kapangyarihan mo para tumaas ang buwis ko. Mas mabuti sana kung hindi ka suwapang, kung hindi ka isang kampon ng dilim!

"Bukas anumang oras ang tanggapan ko kung may kailangan ka, Concepcion. At sana pakaisipin mo ang alok kong kasal. Hindi ka na bumabata at sa palagay ko ay oras na para magkaroon ka ng pamilya. Nandito ako para sa 'yo. Noon pa man ay gusto na ng nasira mong ama na tayo ang magkatuluyan, kung hindi lang sana matigas ang ulo mo at gusto ang isang rebeldeng buhay—"

"Anuman ang gusto ko ay kalabisang punahin mo, Ginoong Sevilla," agaw niya, bahagyang tumaas ang tinig. Alam niyang sa edad na beinte-kuwatro ay matandang dalaga na siya kung ituring pero hindi siya tulad ng ibang babae na ang pangunahing hangarin sa buhay ay ang magkaroon ng pamilya. Karaniwang doon na nagtatapos ang buhay at obligasyon ng isang babae.

Naniniwala si Concepcion na mahalaga man ang tungkulin ng isang ina ay hindi dapat doon nagsisimula at nagtatapos ang halaga ng isang babae. Hindi siya lumaking pinapangarap ang maging isang asawa at ina. Hindi niya gusto ang ideya na iyon lamang ang ganap niya sa mundo bilang isang tao. Bakit mismong sa Espanya ay isang reyna ang namumuno? Sa kabila noon, maging sa Europa ay maliit ang tingin sa kababaihan. Hindi niya iyon gusto.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now