Chapter 16

16.5K 260 13
                                    

NAGISING si Concepcion sa banayad na pagkatok sa pintuan ng kanyang silid. Agad siyang napabalikwas ng bangon, saka pinaikot ang paningin sa buong silid. Wala na si Knox! Mayroong kabang kumalat sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung labis siyang nanghinayang na wala na ang lalaki o natakot ba siya na isa iyong patunay na ilusyon lang niya ang nangyari nang nagdaang gabi.

Tumayo na siya at naglakad tungo sa pinto. Si Trinidad ang nasa labas, ang kinukuha niya para makatulong sa pagtatapa at pagdadaing. Nakapagkatay na siguro kaya kinakatok na siya ng babae. Ganoong mayroong maagang katay ay nag-iiwan siya ng susi kay Trinidad para makapasok ito sa bahay kahit tulog pa siya at makapaghanda na ng mga kailangan.

"Magandang umaga, Señora. Handa na po ang almusal."

Nagpasalamat siya sa babae at nagbalik na sa silid. Pumasok siya sa banyo para maghilamos para lang mapaigtad nang makita doon si Knox, nakababad sa lubluban na masyadong maliit para rito. Matagal na panahon na mula nang gamitin niya iyon dahil mahirap mag-igib, wala na siyang tauhang maaasahan. Pero inubos ng lalaki ang tubig sa kanyang mga sisidlan.

"Good morning," bati nito, nakangiti, parang walang anuman ang ginagawa samantalang kung sakaling narinig ng kawaksi ang presensiya nito ay malaking gulo. Ano na lang ang sasabihin ng lahat sakaling kumalat ang balita na may isang lalaki sa kanyang silid? Magiging isang maduming babae na siya dahil lang sa estrangherong ito.

"Anong karapatan mong ubusin ang tubig na hindi laan sa 'yo?" tanong niya, ipinagkrus ang mga bisig sa tapat ng dibdib.

"Are you kidding me? This is not a lot. I would need more."

"More? Ano, ipag-iigib kita, mahal na hari?" sarkastikong sabi niya.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Igib? What do you mean? Don't you have running water? Oh, right, it's the nineteenth century, I forgot. Don't worry, I'll take care of it. Saan ba puwedeng kumuha ng tubig? Saan galing ang tubig na ito?"

"Sa balon."

"God, I hope it's clean water, otherwise, there's cholera, typhoid fever, and many others. I should've remembered. Anyway..." Tumayo na ito. Muntikan nang napasigaw si Concepcion. Wala ba talagang ni kaunting kahihiyan ang lalaking ito para ilantad na lang nang ganoon ang katawan na para bang sanay na sanay ipangalandakan ang ari-arian!

Agad siyang pumihit. "Napakabastos mo!" angil niya.

"Ikaw ang pumasok habang naliligo ako pero ako ang bastos?"

Ngitngit na ngitngit siyang agad na lumabas ng silid. Nang lumabas ang lalaki ay nakatapi ito ng tuwalya. "Have you got rougher towels?" sarkastikong sabi ng lalaki.

Aba'y sadyang hambog ang Knox na ito at makapal ang apog para magreklamo pa sa kanyang magaspang na tuwalya. Dati ay madami siyang malalambot na tuwalya, maging mga kubrekama, pero magmula nang mangailangan siya ay nakasali iyon sa mga ibinenta niya para makaipon ng pantustos sa pangangailangan ng hacienda.

"Kailan ka lalayas?" aniya, nakataas ang kilay.

"Lalayas? I'm stuck here with you."

"Hindi ako tumatanggap ng mga bisita sa ngayon, pasensiya ka na, kamahalan."

"I have nowhere else to go. Don't worry, I will pay for my stay."

"Ang yabang mo."

"No, I really will. I do have money in my year."

Natigilan si Concepcion, may idea na pumasok sa isipan. Kung mayaman ang lalaki, puwede siya nitong matulungan sa pagbabalik nito sa hinaharap. Ang tanong lang ay kung kailan iyon. Puwedeng bukas, puwedeng ilang taon. Pero imposible naman sigurong hindi na makaalis kailanman ang lalaki. Anu't anuman, makakatulong ito sa kanya.

"Gaano ka kayaman sa panahon mo?"

"I'm guessing I have riches you can't even imagine."

"Napakahambog mo, lalaki!" angil niya. Madami din naman siyang nakasalumuhang mayayabang pero walang ganito kadirekta kung magmayabang! Ano ang akala ng lalaki sa sarili? Para bagang sa tingin nito ay narito na ang lahat, ito ang pinaka sa pinaka. Puwes, kung inaasahan nitong mabilis siyang bibilib, nagkakamali ito.

"Kailangan ko ng malaking kabayaran kung gusto mong tumira dito. Kailangan din na hindi ka lalabas kapag may ibang tao sa bahay."

"But I want to explore the place while I'm here."

"Explore? Alam mo ba kung ano ang puwedeng mangyari sa 'yo kapag nakita ka ng mga tao at walang paliwanag kung sino ka? Iispin nilang isa kang espiya."

"Kung ganoon, palabasin mong isa akong bisita."

"Isang bisitang lalaki sa bahay ng isang babae? Nababaliw ka na ba?"

"Oh, God, this time is so fucking pathetic! Introduce me then as a relative. A brother even. Hindi sila maghihinala ng kahit na ano kung sasabihin mong kapatid mo ako sa labas."

"Walang maniniwalang nagkaroon ng anak sa iba si Papa."

"Ang mama mo?"

"Sisirain mo ang reputasyon ng magulang ko dahil lang gusto mong gumala? Napakalas ng loob mo, lapastangang lalaki!"

"Pinsan?"

"Pag-iisipan ko. Saan ka galing, bakit ngayon ka lang dumating? Kailangan kong ipaliwanag ang lahat ng iyan."

"Fine. But do it quickly."

"'Wag mo akong utusan!" singhal niya. "Kung hindi mo pa napapansin, nakasalalay sa akin ang buhay mo. Ano ang kakainin mo kung wala ako? Saan ka titira kung wala ako? Kaya kung ako sa 'yo, pagbutihin mo ang pagkausap sa akin."

"Fine."

Inirapan niya ang lalaki. "Dito ka lang hanggang hindi pa tapos ang trabaho ko."

"When am I gonna eat?"

"Mamaya, kapag natapos na ako."

Tumuloy na siya sa banyo at naghilamos, nagpalit ng damit, at lumabas para makita ang lalaking walang saplot sa ibabaw ng kanyang kama.

"Puwede bang magdamit ka?"

"I need new clothes."

"Kabibigay ko lang sa 'yo!"

"I'm not used to wearing my sleepwear during the day."

"Ang dami mong arte. Ikaw ba ang magpupunta sa sapa para maglaba?"

"How backwards. But of course, there's no washing machine yet. Pero hindi ba, may balon ka?"

"Hindi umaagos ang balon, hindi tulad ng tubig sa ilog. May trabaho pa ako. Diyan ka na muna." Bumaba na siya at tumuloy sa kusina.

Halos wala siya sa sarili, iniisip pa rin kung ano ba itong nagaganap. Sanay na ang kanyang kamay sa paglalatag ng mga karne sa malapad na bilaran kaya parang makina siya sa pagkilos.

Nang makarinig ng pagtakbo ng kabayo sa labas ay agad siyang kinabahan. Pamilyar sa kanya ang ganoong tunog, karwahe ni Damian iyon malamang. Hindi pa oras ng singilan, bakit ito naroon? Kapag wala sa oras na dumating ang lalaki ay palaging mayroong hatid na takot sa kanya—baka mayroon itong naisip na bagong paraan para pahirapan siyang magbayad, baka may bagong pantakot ito sa kanya para pakasalan na lang ito, at iba pa.

Pagsilip ay nakita niyang si Damian nga ang paparating. Parang gusto niyang umiyak pero sa huli ay itinaas niya ang mukha para harapin ang walang-hiya.


--

Don't forget to vote, leave a comment, and share if able. Like my page as well, facebook.com/vanessachubby

Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon