Chapter 9

18.5K 276 10
                                    

NOTE: Any historical inaccuracy is my fault and shall be remedied at final editing. There will be changes in the book, changes I will not put here.

___

Malaki ang mansiyon kaysa sa karaniwan dahil iyon ay nabili ni Knox bilang isang resort at ang mansiyon ay ang hotel. He purchased that place last year. Inalok sa kanya ng isang ahente ang lugar nang magpahanap siya ng isang lugar na babagay para sa kanyang pangangailangan—isang lugar kung saan siya magre-retire habang nababaliw.

May anim na buwan ginawa ang mansiyon at ang buong resort na hindi na resort ngayon kundi isang lugar kung saan masarap magpahinga, isang makabagong retirement facility na hindi mukhang ganoon. Ayaw niyang magmukhang detox or retirement or rehab facility ang kanyang "health village." Iyon ang bansag niya sa lugar. Madami ding structures ang pinabago niya. Kahit may swimming pool ay nagpalagay siya ng manmade lake. There were small corners in the village where one can find a quiet place to relax and think.

Puno rin ng CCTV ang buong village. Lahat ng puwedeng daanan ay mayroong camera. The last thing he wanted to do was get lost there, if case he lost his mind. Gusto rin niyang masubaybayan ang galaw ng mga tagapag-alaga niya sa panahong iyon. Ah, he was being morbid. Perhaps he shouldn't be too morbid since there wasn't anything like that in what was happening to him. In fact, if it weren't for the fact that he was thinking that he was losing his mind, he would have enjoyed all his psychotic episodes because they were fucking hot. Hotter than actual sex, if anyone can believe that.

Hindi pa rin niya alam kung totoo ang sinabi ng psychiatrist na may kahulugan ang mga eksenang iyon sa kanyang personal na buhay—sa relasyon niya sa mga empelyado, kapatid, ina, stress sa trabaho, personal fulfillment, at marami pang iba.

"Good morning, sir," bati sa kanya ng isang tauhan ng village, si Chris, isang lalaking dating direktor ng maliit na retirement facility sa Amerika. Pinirata niya ang lalaki, tulad ng ibang empleyado niya sa village. He had a total of three medical professionals. Kung sakaling kailangang magdagdag ay hindi pa siguro sa lalong madaling panahon—umaasa siya. He will not focus on that anymore. He will try to have... peace.

Ngumiti siya sa lalaki at tumango. "Good morning. Everything good?"

"Yes, sir." Sinabayan siya nito sa paglalakad sa pathway patungo sa mansiyon. Garden ang nasa magkabilang tabi niyon. "I have arranged for your stay, sir. May iba pa po ba kayong ibibilin? Special dietary considerations, medicines, therapy?"

"Sa ngayon, wala. Salamat." Kahit paano ay masaya siya sa naging kinalabasan ng plano. Ang administrator na ito ng village ay sanay sa ganitong trabaho. Kung tutuusin, napakagaan ng trabaho nito ngayon kumpara sa dati. He was also earning more, just like the nurses that he hired. May sariling quarters ang mga ito sa village. Maybe he should have told them his real condition, but somehow he was having trouble telling anyone that.

Sinamahan siya ng lalaki hanggang sa mansiyon. Doon ay mayroong mga unipormadong tauhan na bumati sa kanya. Hinarap niya si Chris. "How are the horses?" Nagpadala siya ng ilang kabayo sa village. Malayo sa mansiyon ang stables pero mayroon. Wala siyang balak na magkaroon ng kabayo pero hindi niya maalis sa isip ang kabayo na nakikita sa mga psychotic episodes.

The woman in his head also rode horses. In fact, she did it very, very well. Iyon ang dahilan kung bakit gusto rin niyang maging expert sa pangangabayo. Alam niyang hindi na niya dapat ini-encourage ang ganoong bagay dahil mula iyon sa bahagi ng kanyang utak na kailangang "gumaling," pero natagpuan niya ang sariling interesado na rin sa mga kabayo. He knew how to ride, but he was not an expert in any way.

"Maayos naman po, sir," sagot ni Chris. "Kaninang umaga lang po, pinuntahan ko doon sa kuwadra, naku, ang lulusog po. Sabi din ni Mang Perna, magandang lahi daw po ang mga 'yon saka malulusog. Noong nakaraang linggo lang po dinalaw noong vet, maayos naman daw po. Ipapahanda ko po ba, sir?"

"I will let you know. Thank you." Nakangiti siyang tumango at tumuloy na sa silid, bitbit ang kanyang maleta, kahit ilang ulit na kinuha sa kanya ng mga tauhan iyon.

He had always been independent. Kahit na nagkaroon na siya ng yaman na hindi kayang ubusin. At least not in this lifetime.

The room was huge, very zen. Everything about that place was supposed to make him find peace because he was gonna get it no matter what. He took a shower and after, he walked to a personal garden and meditation area adjacent to his room, totally naked. Mayroong soaking tub doon na gawa sa bato, kawayan ang disenyo ng buong paligid, ang tubig ay nagmumula sa artipisyal na bukal. Sa buong kalupaan ay mayroon ding natural na sapa. Tuyo na iyon pero binuhay niyang muli. The last time he checked, it was beautiful. But he was not in the mood to go there. Pagod siya sa biyahe. Ang gusto lang niya sa ngayon ay ang magbabad sa tubig na may therapeutic bath salts, pampaalis ng sakit ng katawan at aromatherapy pampakalma ng isipan.

If any of his girls found out about this, they would probably laugh at him. Siya siguro ang huling taong aasahan ng mga itong gumawa ng ganoong bagay. Hindi siya naniniwala noon sa mga ganoong bagay. May naging girlfriend siyang mahilig sa crystals at dahil doon kaya sila naghiwalay. He simply can't stand her silly ideas about the healing power of crystals. Pero ngayon, santambak ang mga kristal sa maleta niya. Hindi niya alam kung naniniwala siya sa mga iyon pero walang masama kung ilalagay niya sa silid.

Ang staff ay hindi alam kung ano ang eksaktong dinaramdam niya, kahit siniguro niya sa mga ito na hindi iyon pisikal. They were not sure what kind of mental issue he had and he was not going to tell them anyway. Ang dahilan lang kung bakit niya sinabi ay para hindi mabigla ang mga ito kung magkaroon siya ng psychotic episode.

Mabilis na napuno ang soaking tub. He used just epsom salts. Iyon ang isang gamot sa muscle ache na matagal na niyang gamit. Inabot niya sa wall-mounted shelf ang isang tablet remote control ng silid. From there, he asked the kitchen staff to bring him some matcha smoothie. He also chose a meditation playlist. Mayamaya ay dumating na ang inumin. Ipinikit niya ang mga mata at nakinig sa malamyos na tinig ng isang babaeng nagsasabi sa kanya kung paano hihinga, kung paano pananatilihing blangko ang isip. At least, he was learning to keep his mind relaxed. Paunti-unti lang. He was getting better at it.

But then there she was, inside his head, that faceless woman who had been hijacking his mind and soul.

Sa pagkakataong ito ay masyado siyang pagod para piliting alisin ang babae sa isipan. He allowed her to linger in his mind. Who are you? he wondered.

__

DON'T FORGET TO VOTE, FOLLOW, AND LEAVE A COMMENT.

YOU MAY GIVE MY PAGE AND THE PAGE I CO-MANAGE WITH OTHER WRITERS A LIKE:

FACEBOOK: VANESSACHUBBY

FACEBOOK: THEROMANCETRIBE

Beyond TimeWhere stories live. Discover now