Chapter 24

16.8K 294 7
                                    

"Sinabi ko sa 'yong sa kabilang silid ka na matutulog magmula ngayon."

Ang daming gustong sabihin ni Knox pero mula sa liwanag mula sa kandila sa loob ng silid at nakikita niya ang reaksiyon ng babae. She was mad. He was sure of it. Kahit hindi masyadong maliwanag, nasanay na ang kanyang mga mata sa ganoon at malinaw sa kanya na galit ang babae. She was probably mad at herself. Pamilyar sa kanya ang ganitong reaksiyon ng ilang kababaihan. Sa kaso niya, ilang babae ang nainis sa sarili ng mga ito dahil pumayag na agad na may mangyari sa kanila. They saw their vaginas as leverage of some sort.

Pero sa kaso ni Concepcion ay sigurado siyang hindi iyon ang dahilan.

"Bakit parang galit ka?" tanong niya.

"Tinatanong mo pa?!" singhal nito.

"Dapat bang alam ko na?" Kumunot ang kanyang noo.

"Inakit mo ako. May ginawa ka sa akin, isang estilong makabago, mula sa panahon mo. Kaya ano na ako ngayon? Isang babaeng madumi, hindi karapat-dapat." Biglang nabasag ang tinig nito. "Mabuti pa noon, isa ka lang ilusyon. Nanatili akong malinis, kahit paano. Pero ano na ako ngayon? Paano ko ito ipapaliwanag kay Esteban? Sa lalaking papakakasalan ko?"

He finally understood. And he was mad. Who the hell was that Esteban that Concepcion thought she was not good enough just because she chose to enjoy the pleasures of sex?! He never believed that any person, man or woman, should restrain themselves just because the society thought it was what they were supposed to do. Hindi siya tulad ng ibang mga lalaki na nakakahanap ng kung anong satisfaction sa isang babaeng pinigilan ang sarili. That did not make any sense to him for he understood so well that humans had needs. It was not normal for anyone to deny their needs for people who should mind their own business.

"You are not his property!" aniya, hindi nakatiis. He understood that that was probably a new concept to her. Alam din niyang siguro ay kailangan niyang irespeto ang taon na iyon, ang paniniwala ng mga tao sa oras na iyon. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

"Hindi ibig-sabihin na pag-aari na niya ako, alam ko 'yan. Ano ang koneksiyon niyan sa usapan?" anang babae, parang susugurin siya kahit tumutulo pa rin ang luha.

"If he loves you, he will take you for what you are. Besides, why would he even find out? Bakit kailangan mong sabihin sa kanya?"

"Ibig mong sabihin ay inaasahan mong magsisinungaling ako sa aking asawa?"

"If your purity means so much to him, and if you are that big of a fool to marry a man who wants you to be like Mary, then—"

"Mangilabot ka sa sinasabi mo, lalaki!" singhal nito.

"Fine. I'm sorry, that was probably blasphemous. But nothing even happened between us. If you want to give him a reason to really think you've given yourself to another man then..." Humiga siya sa kama. "Come, honey, let's do it."

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now