Chapter 15

15.7K 255 1
                                    

Itinuro ni Concepcion ang damit na para kay Knox na nakapatong sa kama.

"Fine." Lumapit ang lalaki kay Concepcion, saka iniladlad ang damit. "God... You've got to be kidding me with this." Kahit nagrereklamo ay isinuot naman ng lalaki ang damit. Maluwag lang iyon nang kaunti dito dahil sadyang malaki ang ama ni Concepcion. "I need to go back."

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," aniya.

"Kailangan kong bumalik sa pinanggalingan ko. Anong taon ngayon?Totoo ito?"

"Dani is right. Naisip kong tama siya. Bakit ko pinanglalabanan ito kung may bahagi ng isip ko ang naniniwala sa lahat ng ito? How can this be a figment of my imagination? I can smell you, I can feel the cold, I have scars from the grass blades. Come on, this is real. Ayoko nang piliting isiping nababaliw ako kaysa paniwalaang totoo ang lahat ng ito. Ikaw?"

Tumango siya. Siguro ay dumating na rin siya sa puntong ganoon, na sawa nang itanggi ang nararamdaman, pero kailangan pa rin niya ng patunay. Makikita ba ng iba ang lalaki?

"But I have to go back."

"Bumalik ka kung gusto mo," aniya, may nadamang panghihinayang, isang bagay na hindi niya maunawaan. Bakit siya nanghihinayang sa isang lalaking hindi niya kilalang-kilala?

"Paano?"

"Hindi ko alam." Tumingin siya sa relo sa kamay, ganoon din ang lalaki sa relo na hawak nito. Iisa ang relong hawak nila, halos hindi siya makapaniwala. "Ang sabi ni Danielle noon sa akin, ituturo daw ng orasan kung paano ito gamitin."

Itinaas ng lalaki ang relo sa bandang tainga nito at inalog-alog. "Wala namang tunog na may nasirang gears. But look, it's not working. Again." Biglang tumayo ang lalaki, inalog nang inalog ang orasan. "Let me see yours."

Agad niyang inabot dito ang orasan na inalog din nito, pinag-aralan. Ilang ulit nitong pinaikot ang pihitan sa gilid noon pero walang nangyayari. Hindi pa rin umaandar ang relo.

"Shit, I'm trapped in this year? My brother is gonna worry about me. You've got to help me."

"Paano?"

--

Don't forget to vote, leave a comment, and share if able. Like my page as well, facebook.com/vanessachubby


Beyond TimeWhere stories live. Discover now