Chapter 11

17.8K 300 21
                                    

"Sir?"

Napalingon si Knox sa nagsalita. Isa iyon sa tatlong nurse na kinuha niya. Hindi niya maalala ang pangalan ng babae. She was a tall woman in her early thirties. Kung noon siguro ay malamang na pinormahan na niya ito.

"Yes, nurse, is there a problem?"

"You pushed the call button, sir. Hindi po kayo sumasagot kaya pumasok na ako. Ayos lang po ba kayo?" Lumapit ito sa kanya, hawak ang stethoscope at blood pressure monitor. Tumingin siya sa call button. Napatungan niya iyon ng baso ng juice.

He realized he was standing naked in front of a wall. Obviously, it was another psychotic episode. Tumango siya at lumapit sa babae. He was not ashamed of his body. Mukha namang propesyonal ang babae at agad na inabot sa kanya ang robe na nakasabit malapit sa soaking tub.

Pinaupo siya ng nurse at kinunan ng blood pressure. Hindi niya maalis sa isip ang mga larawang binuo ng imahinasyon. Kung totoong walang kayang buuing image ang isip na mga bagay na hindi pa nito nakikita noon, saan niya nakita ang lahat ng naisip niya kani-kanina lang? Kailan siya nakarating sa kung saang lugar kung saan mayroong mga pinatuyong karne at gulay na nakasampay sa istrakturang pawid ang mataas na bubong?

Ah, the food probably in Italy and Spain, but what he saw was very Filipino. Wala siyang naalalang napuntahang ganoon ang hitsura. Sa pelikula ba? Wala siyang maisip pero siguro ay ganoon nga. There was no other explanation. Hindi siya nakasunod sa babae dahil may pader na sa kanyang harapan. And he was glad that was the case as well. Paano pala kung wala at patuloy siya sa paglalakad at makarating na sa kung saan? What if he walked to his death or plunged into it? Paano kung bangin pala ang kahahantungan niya? He really needed to learn to control the thoughts, the delusions. Ang problema, kapag naroon na siya at hindi na niya magawa ang kahit na ano. All he wanted to do was get sucked into the world of that woman.

Sino ang lalaking nakita niya kanina? Hindi niya nagustuhan ang pagkausap noon sa babae, na para bang may relasyon ang dalawa. Or at the very least, he was her confidante, someone she trusted. It was the first time he saw a face. Hindi niya rin makilala kung kaninong mukha iyon pero siguradong isang Pilipino. Ang suot ng lalaki ay ordinaryong kamiseta at pantalon, sa ulo ay mayroong salakot na bilog ang ibabaw. He remembered that from photos of Filipinos back in Colonial times. Ang babae naman ay nakasuot ng damit na pang-lalaki, particularly breeches and a long-sleeved shirt. May suspenders pang suot ang babae. It was what peasants from England wore in the late 1800s.

"One hundred over seventy, sir," anang nurse. Itinaas nito ang kanyang braso para ipitan ng digital thermometer ang kanyang kilikili. Naglalakbay pa rin ang isip niya patungo sa lugar na napuntahan. Nang tumunog ang thermometer ay agad iyong tiningnan ng nurse. "Everything seems okay."

"I'm in perfect health, my dear," aniya, bahagyang nakangiti. Tatlong ulit siyang nagpa-physical sa loob ng nakaraang isa't kalahating taon. The doctors said he can live to be a hundred. Ang problema ay paano kung tumagal nga ang kanyang buhay na ganoon ang sitwasyon sa pag-iisip?

"Is there anything I can help you with?"

Umiling siya. Nagpaalam na rin ang nurse. Ipinikit niyang muli ang mga mata pero wala na ang babae sa imahinasyon. Gusto niyang mainis sa sarili. Kasasabi pa lang niyang iiwasan nang isipin ang babae ay heto na naman siya. He took a shower and lay himself down to bed. May kung anong lungkot siyang nadama. It seemed he had no control of his life anymore. That woman in his imagination was taking control of his life. Parang ninanakaw nito ang kanyang buhay. Ah, if only he could convince himself to believe that, maybe he wouldn't be so frustrated.

Bumangon siyang muli nang hindi makatulog. Ipinatong niya ang maleta sa baggage table. Kinuha niya ang isang envelope at isang watch organizer at inilagay sa safe. Bago isara ang safe ay kinuha niya ang antigong pocket watch. Binuksan niya ang takip niyon. Laking gulat niya nang makita ang ikalawang dial ng relo ay tuluy-tuloy sa pag-ikot.

"What the fuck?" sambit niya. Paano nangyaring bigla na lang umikot ang relo kung noong nakaraan lang ay sira ang dalawang dial? At bakit ganoon kabilis ang pag-ikot ng pangalawang dial? That was not normal at all!

Suddenly, the watch felt warm in his hand. Kumalat ang init sa kanyang braso. He tried to let go of the watch but it was stuck on his hand. He was starting to panic, but before he could do anything else, his body started to get sucked into the watch.

"Noooo!" sigaw niya pero hindi nagawang pigilan ang pangyayari.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now