Chapter 32

16.3K 336 15
                                    

Ngumisi si Concepcion kay Knox, saka bumaba sa kabayo. Hindi siya nag-alala sa lalaki. Alam niyang kung nasaktan man ito ay bahagya lang at sa laki ng katawan ay balewala na iyon dito. Tumuloy siya sa loob ng bahay. Naabutan niya sa sala si Trinidad. Doon na ito natutulog dahil kahit pa sabihing sinabi na nila sa lahat na ikakasal na sila ni Knox ay hindi pa rin sila kasal at hindi puwedeng wala silang kasama sa bahay.

"Magandang gabi, Señora. Ihahanda ko na ang hapag—"

"Para lang sa isa. Kumain na ba si Ginoong Pablo?" tukoy niya sa kutsero ni Knox. Tumango si Trinidad. "Bueno, ipaghanda mo ang bisita. Hindi na ako maghahapunan."

"You will not miss dinner just because of that man."

Bigla siyang napalingon sa pintuan. Gusto niyang singhalan ang lalaki sa labis nitong kapangahasan, pero hindi niya magawa dahil naroon si Trinidad. Ayaw niyang kumalat ang balita na ganito pa lang kaaga ay nag-aaway na silang mag-asawa, bukod sa katotoohanang ang padre de pamilya ay kailangang sundin. Bilang susunod nang padre de pamilya si Knox ay hindi makagaganda sa imahen nito kung ganito pa lamang kaaga ay malalaman na ng iba na hindi siya nagpapasakop dito, na siyang gawain ng mga mabubuting asawa.

"Trinidad, kakain kaming dalawa," anito sa kawaksi na agad tumango at nagtungo sa komedor.

Nilapitan ni Concepcion si Knox saka sinabi sa mahinang tinig. "Wala kang karapatang gawin sa akin ito!" Kung hindi lang siya nag-aalalang marinig ni Trinidad ang kanilang usapan, malamang na higit pa roon ang natikman ng lalaking ito.

"Gawin ang ano? Pakainin ka ng hapunan?" Kumunot ang noo ng lalaki. "Kanina ka pa hindi kumakain. Alas-dose tayo huling kumain at pinalipas mo ang merienda. Para saan? Wala akong makitang dahilan."

Pinandilatan niya ito. "Wala kang makitang dahilan?!"

"Wala."

Gusto niyang kalmutin ang guwapo nitong mukha. Hindi mahirap makita na nakahihigit ito kay Esteban sa maraming paraan pero hindi ibig-sabihin na may karapatan na itong magmalaki at balewalain ang damdamin niya pagdating sa nobyo. Alam naman nilang pareho kung ano ang nangyari. Mayroon siyang sariling buhay at bigla itong dumating upang sirain iyon. Oo, makakatulong ito sa pagbawi ng hacienda pero wala itong karapatang panghimasukan ang buhay niya!

"Hindi ako papayag sa ginagawa mo. Hindi ako tutulad sa ibang mga babae na nagpapaalipin."

"Honey, relax, I only asked you to have dinner. Kung pang-aalipin na pala sa 'yo 'yan, paano pa kapag sinabihan kitang humiga sa kama at maghubad?"

Bigla siyang napasinghap, hindi inaasahan ang sinabi nito. Bakit ganito kung makipag-usap ang lalaki sa kanya? Para ba siyang isang mababang uri ng babae?! Paglingon niya sa mukha ni Knox ay nakita niyang nakangisi ito, parang nagbibiro lang. Pero hindi pa rin niya iyon nagustuhan.

"Ganyan ba ang mga kababaihan sa hinaharap, tumatanggap ng ganyang salita?"

"Walang masama sa salita ko, nagkataon lang na hindi normal para sa 'yo ang normal para sa akin. Why you continue to deny yourself the pleasures our bodies can have is beyond me. Madali akong kausap, hindi ko rin ugaling tumanggi sa mga bagay na gusto ko. That's not something I understand."

"Talagang mataas ang tingin mo sa sarili at iniisip mong gustong-gusto kong may mangyari sa atin? Ginagawa ko lang ito dahil kailangan. Kapit ako sa patalim, kung sakaling hindi mo pa napapansin." Malinaw sa kanya na kasinungalingan ang kanyang sinabi, pero hindi siya aamin. Ano at sasang-ayon siya sa lalaking ito at para na rin niyang sinabi na gutong-gusto niyang magtalik sila?

"If you want to keep telling yourself that to help you sleep better at night, then by all means, darling. We both know the truth anyway."

Matalim ang sulyap niya rito. Ano ang karapatan nitong sabihin ang ganoon nang hantaran sa kanya?! Kung ang ibang lalaki siguro ay sadyang hindi mangangahas dahil siya ay isang dalagang marangal! Ang ganoong klaseng mga salita at para lamang sa mga babaeng nagbebenta ng aliw!

"Siguro sa panahon mo ay madaming babaeng gustong-gusto ang isang tulad mo, pero tandaan mo sanang nasa ibang panahon ka. Ano ba ang ipinagmamalaki mo, hmmm?" Itinaas niya ang sulok ng labi, saka nagsimulang maglakad paikot sa lalaki. "Ang hitsura mo ay kakaunti ang ipinagkaiba sa mga banyagang gustong sakupin ang aming bayan."

"Just like you."

"Totoo. Pero hindi ibig-sabihin na nakikita kita bilang isang kaakit-akit na nilalang. Kung makapagsalita at makaakto ka ay para bang isa kang diyos na bumaba mula sa kalangitan."

"Oh, honey, I can take you to heaven any time, for sure. For sure."

Gigil na gigil si Concepcion. Bakit talo siya ng lalaking ito pagdating sa tagisan ng salita? Paano ba siya lalaban dito kung hindi siya sanay na makipag-usap sa ganoong paraan? Natural, hindi siya sanay. Sino ang kakausapin niya sa paraang seksuwal? Bago dumating si Knox ay wala siyang masyadong alam pagdating sa gawain ng mag-asawa, maliban na lamang sa kanyang nabasa. Ni hindi siya nangahas na haplusin ang sariling balat. Tumatak sa kanyang isipan ang naririnig noon pa mula sa mga kasama sa bahay, na ang isang babae ay dapat na pangalagaan ang pagkabirhen nito. At kahit na siya ay naniniwalang dapat maging patas ang babae sa lalaki ay may mga bagay na hindi niya kasasanayan—tulad na lamang ng pagkakapantay-pantay pagdating sa seksuwal na paraan. Ayaw pa rin niyang makipag-usap sa isang lalaki sa paraang parang isa rin siyang lalaki kung ang paksa ay ang pisikal na relasyon ng dalawang tao!

"Tumahimik ka," angil niya, saka ito tinalukuran at tumuloy sa komedor kung saan agad siyang pumuwesto. Hindi na siguro magsasalita pa ang hambog na lalaki dahil nandoon si Trinidad.

Pero nagkamali siya dahil sinabi nito nang makaupo sa tapat niya. "Kailan tayo magpapakasal, Concepcion? Hindi ako makapaghintay na mahagkan kang muli, mahal ko."

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now