Chapter 26

17.1K 295 4
                                    

Nadama ni Concepcion ang mandirigma sa pagitan ng kanyang mga hita, nanunukso, padaplis-daplis, tumatantiya.

Sa totoo lang ay hindi sigurado ni Concepcion kung kaya ba niyang tanggapin ang napakatikas na mandirigma, pero sa puntong iyon ay wala na siyang pakialam. Gusto niyang madama ang lalaki nang buong-buo. Nalimutan na niya ang lahat ng pagdududa. Nalimutan na niya ang lahat ng pag-aalinlangan. Kailangan niya ang lalaki sa sandaling iyon.

"Knox..." aniya, gumalaw upang damhin ang mandirigma sa pagitan ng kanyang mga hita, tuksuhin iyon.

"I will probably regret this for the rest of my life but I can't." Isang pagkalalim-lalim at pagkahaba-habang buntong-hininga ang kumawala mula sa lalaki.

Naguluhan si Concepcion. Hindi niya agad naunawaan ang ibig-sabihin ni Knox. Napasinghap siyang muli nang madama ang mga labi nito sa kanyang balikat, hunahalik, marahang kumakagat. Nadama niya ang mga daliri nito sa pagitan ng kanyang hita, dumadama, nagpapaligaya.

Parang walang sawa ang lalaki na ibigay sa kanya ang hilig na katawan na noon lamang natuklasan. Muli ay dinala siya ng mga sensasyon sa kaitaasan. Nang unti-unti siyang bumaba mula roon ay umusog ang lalaki para makahiga siya sa tabi nito.

Hindi niya naintindihan kung ano ang nangyari kanina, kung bakit hindi natuloy ang lahat. Aminado siyang hindi sigurado kung ano ba ang totoong nangyari—kung birhen pa ba siya o hindi na—malamang na hindi na. Pero malaking palaisipan sa kanya kung bakit wala siyang kahit katiting na sakit na nadama. Sa pagkakaalam niya, napakasakit daw noon at mag-iiwan ng dugong mantsa. Bukas pa niya malalaman kung totoo nga ang mantsa. Sa palagay niya ay hindi na siya birhen dahil naglapat na ang mga katawan nila ng lalaki, ang bulaklak niya at ang mandirigma nito.

Gusto niyang itanong sa lalaki pero sa huli ay pinili niyang manahimik, pero may naalala. "Ang sinabi ba ni Danielle, kapag nagtalik tayo ay magagamit na natin ang orasan?"

"Yes."

Parang gusto niyang subukan pero nadarama niya ang bahagyang panginginig ng tuhod. Paano kung bigla siyang dalhin ng orasan sa ibang panahon sa ganoong kalagayan na hinang-hina siya? Ipagpapaliban niya ang paggamit doon sa oras na mayroon na siyang kaunting lakas. Marahil bukas ng umaga. Ipinikit niya ang mga mata at agad na nakatulog.

Nang magising kinabukasanay laking gulat niya nang makitang wala na si Knox sa kanyang tabi. Nanghanapin ang lalaki ay hindi na niya ito natagpuan sa loob ng bahay. Isa langang naiisip niyang dahilan—nakaalis na ito gamit ang orasan. Dali-dali niyanghinanap ang orasan at laking pagkabigo nang makitang hindi pa rin iyongumagana. Siguro ay gumana lang para kay Knox... Pero paano niya mapapaganaiyon para sa kanya? Hindi yata patas ang lahat.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now