Chapter 27

16.9K 309 10
                                    

"Ginoong Peralta, magandang gabi."

Knox was looking at the woman in front of him. May isang bahagi ng kanyang isip ang hindi pa rin makapaniwala na narito siya sa ganitong pambihirang sitwasyon. Ilan lang ang makapagsasabi sa buong mundo na nagawa ng mga itong tumawid ng ilang taon para masaksihan ang kasaysayan nang personal? Pero sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang mainis sa lumang sistema. Why the hell did it take so long for humans to change to what and who they were in his time? Kahit iyon ay kulang na kulang pa rin. Pero ang makita ang ganitong sinaunang pag-iisip ay nakakapagpakulo ng kanyang dugo kadalasan.

The woman was obviously trying to seduce him. Hindi na kailangang sabihin pa dahil iyon ang ikailang ulit nitong pagdalaw sa kanya sa tuluyan na ang suot ay hapit sa baywang at nakaluwa ang dibdib. Dibdib na natatakpan ng balabal. Sa labas ng bahay, pero hindi sa loob dahil mainit daw.

"Magandang gabi," bati niya. It had been a week since he left Concepcion's hacienda. He had to do it. Walang mangyayari sa kanya doon at hindi siya makakatulong sa babae kung mananatili siya sa loob ng silid nito.

He did not like the idea of spending his days trapped inside her house, just wondering when his conscience will allow him to bang her completely. Hindi maganda kanyang pakiramdam iyon at lalong hindi niya gusto. He felt like a predator even if he knew the woman was more than willing to give it to him.

Madali na para sa kanyang humanap ng damit at sapatos na kakasya sa kanya. Nagdala siya ng iba pang pares mula sa mga damit ng ama ni Concepcion. Naglakad siya palabas ng hacienda ay nakarating sa bayan nang walang aberya. Wala man siyang masyadong maalala mula sa history classes niya noon ay isa lang ang alam niyang lengguwaheng naiintindihan ng lahat ng tao sa lahat ng panahon. Sabi nga, when money talks people listen. Pero limitado ang resources niya kaya naging maingat din siya sa paggastos noon.

May nakontrata siyang maghahatid sa kanya sa mag-aalahas. Even then crooks were all over the place. Hindi na nakuwestiyon kung saan nanggaling ang gold bars na bigay sa kanya ni Danielle, pero binarat nang husto. He made a nice enough deal for one bar. Nasa kanya pa rin ang ibang ginto dahil malaki nang masyado ang perang nakuha niya mula sa isang bar.

He purchased a name, a story, along with a good wardrobe, a carriage, a house, and employed someone to take care of his stuff. Ngayon ay nasa isa siyang malaking bahay na nabili mula pa rin sa ginto. Pag-aari iyon ng isang praile na pabalik na sa Espanya. Masyadong mahal ang kanyang pagkakabili, pero iyon lamang ang bahay na available para sa kanyang pakay. He needed to have an image. Image was everything. Naaalala pa rin niya ang ilang bahagi ng Noli Me Tangere at pakiramdam niya ay isa siyang Elias, at si Concepcion ay si Maria Clara. Pero wala siyang balak na matalo ng isang Padre Damaso. After all, he was going back to his time.

Madami ang nagtatanong kung sino siya at mabilis niyang nasasagot iyon. No one dared to look at his papers, thankfully because he did not have any, but they all respected him. Siya ngayon si Ginoong Jose Maria Peralta, heredero mula sa Norte. Of course, there was a rich Peralta up north. Ginamit niya ang apelyidong iyon. Kahit mayroon pang magtanong sa kanya sa mga Peralta ay madami siyang lumalabas na kamag-anak.

He did not mean to con everyone but he needed to use that gold to help Concepcion, so that she will get more relaxed and then he won't feel so guilty doing her. Ah, the lengths one would do for a guilt-free fuck. He will make sure Concepcion was set for life. Hindi na nito kakailanganin pa ang approval ng kahit na sino. Kahit ngayon ay hindi nito kailangan iyon, pero naiintindihan niyang baka hindi nadarama ng babae. She moved in a society that valued hymen. She needed to take control of her body so that she can give everyone the middle finger.

"Malamig ang gabi, Ginoong Peralta, kaya dinalaw kita," anang babaeng malaki ang dibdib. Isa itong biyuda, iyon ang pakilala nito. She was too young to be one though. Hula niya ay wala pa itong treinta anyos. Mukhang mayaman ang dati nitong asawa, iyon ang narinig niyang sinabi sa kanya ng kutsero.

"Ang sabi mo kanina, Ginang Santos, ay mainit sa loob ng bahay kaya mo inalis ang iyong balabal."

Humagikgik ito, itinapat ang abaniko sa bibig. Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi. "Sino ang makakasama mo ngayong gabi, Ginoo?"

"Kailangan ko ba ng makakasama ngayong gabi?" Kung siguro sa ibang pagkakataon ay kanina pa sila pareho walang saplot. But Knox was tired of all the game, plus he was not really interested in bedding this woman, although a part of his brain was urging himself to get some release. He deserved it, especially if women wanted to spend time with him anyway. But he did not have a condom, and he was not really interested.

Ang ibang lalaki ay sexually frustrated dahil ayaw sa mga ito ng gusto. Siya naman ay halos baligtad. Not that he did not want Concepcion, only he did not want to take what she thought belonged to someone else.

Tumayo na siya. "Gumagabi na, Ginang."

"Pero—"

"May gagawin pa ako..."

Tumango ang babae at lumapit sa kanya. "Kung ganoon, mauuna na ako, Ginoo?" Tumingkayad ito at idinampi ang mga labi sa kanya. Hindi niya nagawang umiwas. He guessed it was safe. No one else was there. The last thing he wanted was to get trapped into marrying some random bitch who kissed him.

Halatang hindi natuwa ang babae na hindi ito nakatanggap ng mainit ng pagtugon. Tumalikod na ito. Isinara na niya ang pinto ng bahay, maging ang ilang kandila at lampara. He was sure that in a few more years, there will be electricity and cars. But for now, he enjoyed the fresh breeze coming from the windows. Nakaramdam siya ng pagkakonsensiya. Why was he still there? Hindi lang ba siya nag-aalala sa kanyang kapatid na siguradong hindi na alam kung ano ang gagawin dahil nawawala siya?

Pero paano niya magagawang kunin ang hindi sa kanya para lang makabalik sa hinaharap? So here he was, doing this thing like a fucking moron, hoping to empower Concepcion so that she won't feel like trash when he leaves. Parang ang sarap iuntog ng kanyang ulo. Ngayong iniisip na niya ay tunog-tanga na. But as he was planning everything, it made sense to him.

Maybe since he was already there he would make sure Concepcion lives a comfortable life. Isang uri ng buhay na hindi nito makakamtan kung magpapatuloy ang pagsasaka nito, lalo na at kakauti ang pananim.

Kung mayroong magtatanong sa kanya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon, hindi rin niya kayang sagutin. He really should have had sex with Concepcion but there was no regret in him. Tomorrow, he will see her. Umaasa siyang matutuwa ang babae sa muling pagtatagpo nila, lalo na at may malaking tulong siyang hatid.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now