Chapter 14

16.2K 286 9
                                    

"Are they gone?" ulit ng lalaki.

Hula ni Concepcion ay nagkukubli ito sa likod ng aparador. Naisip niyang huwag sagutin ang halusinasyon. Hanggang kailan niya lolokohin ang sarili? Kambing ang nakita niya kanina at inisip na isang guwapong lalaki iyon. Hindi na malinaw minsan sa kanya kung saan natatapos ang realidad upang maglaho sa halusinasyon. Pumuwesto na siya sa kama, sinindihan ang lampara sa mesa. Lumabas ang lalaki mula sa pinagtataguan. Napansin niyang suot pa rin nito ang kanyang balabal sa ibabaw ng isang satin na roba. Sadyang napakahusay ng kanyang imahinasyon para likhain ito.

Naitanong niya sa sarili kung bakit. Naitanong niya sa sarili kung hanggang kailan niya ito gagawin. Dahil ginagawa niya ito nang hindi sinasadya. Parang gusto niyang umiyak. Nitong nakaraang halos dalawang taon ay nagkaroon na siya ng mga matitinding halusinasyon, kabilang na ang parehang nakita niyang nagniniig sa kamalig. At hindi niya alam kung ano ang gagawin para tumigil ang lahat ng iyon at mabalik sa dati ang lahat.

"Thank you," anang lalaki.

Hindi pa rin siya umimik. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hiniling na sana ay mawala na ang halusinasyon, pero nagpatuloy magsalita ang lalaki.

"This is crazy. I've never had an episode last this long before. This feels real. Everything feels real. Including the pain and the muscle aches as well. Is this the peak of it? Am I not gonna go back to what I used to be?"

Hindi maintindihan ni Concepcion ang sinasabi ng lalaki at napilitan siyang tumingin ulit dito. Parang natulala ang lalaki sa kanyang mukha. Ilang sandali bago ito naglakad palapit sa kanya, hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Hindi rin niya magawang alisin ang pagkakatitig sa lalaki.

"My God, you're so beautiful," sambit nito. "It's impossible that I've seen you before and can't remember your face... There's simply no way I'd forget that face... But tell me, where did I first see you?" Tuluyan nang nakalapit ang lalaki sa kanya at naupo sa kama. "Who are you?"

"Ikaw ang sino," aniya. "Palagi mong ginugulo ang buhay ko. Hindi ko alam kung saang bahagi ng isip ko nanggaling ang isang tulad mo. Hindi ka totoo, hindi ba?"

"At hindi ka rin totoo. Sino sa ating dalawa ang totoo?"

Natigilan siya at napasinghap nang hawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Mukhang nagulat din ito. May init na kumalat sa kanyang ugat sa munting paglalapat ng kanilang mga balat. Kakaiba iyon kumpara sa ibang pagkakataon sa kanyang isip kung saan parang mayroong mainipis na takip at hindi ganap ang paglalapat ng balat. Siguro ay dahil hindi direkta noon, pero damang-dama na nila ngayon... Pero hindi ba at hindi naman totoo ang lalaki sa dalawang pagkakataon? Hindi makapaniwala si Concepcion. Parang imposible na ito ay likha lamang ng kanyang imahinasyon ngayon. May mabago pero hindi niya matukoy kung ano.

"You're real this time," sambit ng lalaki.

Noon sila parehong nabigla nang mayroong orasang sumulpot sa gitna ng silid. Bumuka iyon, lumikha ng bilog na liwanag na lumaki at mula roon ay humakbang palabas ang isang babaeng kilala na ni Concepcion, ang babaeng una niyang nakita noon sa kamalig.

"Danielle?" sambit ng lalaki.

Kilala rin nito si Danielle. Nalito na si Concepcion. Naitanong niya sa sarili kung posible bang likha ng isip lamang ang mga bagay na ganito kalinaw hindi lamang sa kanyang paningin ngunit maging sa kanyang pandama at pang-amoy. Ang sarap sa ilong ng bango ng lalaki, may lamig na dulot ang "pintuang" usok kung saan lumabas ang babae.

"Oh, hello," ani Dani. Sa pagkakataong iyon ay bihis ang babae. "I see it's you, Knox."

"What does this all mean, Dani?"

"Someone told me to come here and see who I should leave the clock to. So it's you. You're here because of the clock that I gave you, right? Because when I leave here I will come see you—in a regular manner, of course so as not to scare you—and leave the watch to you."

"I'm here because I've lost my mind."

"Oh, please, don't be a coward. Only cowards can't accept the truth even if they can see, feel, smell, hear, and experience it. This is your truth now, Knox. Everything you once knew has changed. Are you going to keep telling yourself you've lost your mind, or are you going to enjoy the ride?" Ngumiti ang babae, saka humarap kay Concepcion. "Take good care of this man. He has saved my life. He will save yours."

Tulad noong una ay hinigop ng orasan ang babae hanggang sa tuluyan na itong mawala, kasama ng orasan.

"It's the watch," sambit ni Knox, iyon pala ang pangalan ng lalaki. Noon lamang nakaratinig si Concepcion ng pangalang tulad noon. Inilabas ng lalaki ang orasan mula sa bulsa ng roba nito. "I need to get back to my room. I need to get back to my life. I need my sanity back."

Pinaikot-ikot nito ang ikutan sa gilid ng orasan pero walang nangyari. Inilabas din ni Concepcion ang orasan mula sa sariling bulsa. Wala pa ring ipinagbago iyon mula sa dating hitsura.

"We have the same watch," anang lalaki. "Oh, God. Oh, God, I'm losing my mind. Or maybe I have completely lost it."

Hindi alam ni Concepcion ang sasabihin dahil maging siya ay iyon ang nadarama kahit pa nga unti-unti ay hindi na siya naniniwalang isang halusinasyon ang lahat ng ito. At kung ganoon nga, baka mas magandang sakyan na lang niya kung buong-buo naman ang mundong itong likha ng isipan niya.

"Siguro kailangan nating magpahinga," aniya sa lalaki. "May tubig sa banyo, puwede kang maligo. Maglalabas ako ng damit para sa 'yo."

"Thank you," sambit ng lalaki.

Dinala niya ang lampara sa banyo at sinindihan ang mga lampara doon. Puno ang mga lalagyan ng tubig na mula sa balon sa labas ng bahay. Araw-araw ay pinupuno iyon ng mga tauhan ng hacienda.

Habang naliligo ang lalaki ay naghanda si Concepcion ng damit para sa lalaki. Mayroon pang damit ang kanyang ama na hindi naitatabi dahil tinatahi niya iyon para sa sarili. Madami mang kumukuwestiyon sa kanyang pananamit ay wala siyang pakialam. Paano siya makakakilos nang maayos kung ang suot niya ay baro't saya?

Medyo mataba ang kanyang ama kaya malalaki ang damit nito, pero sa palagay niya ay kasya sa bisita. Bumalik na siya sa silid mayamaya. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas sa banyo ang lalaki, ang tuwalya ay nakasabit sa balikat imbes na nakatapi sa baywang.

Nag-init agad ang mukha ni Concepcion. Bakit sanay na sanay ang lalaki nang nakahubad? Ano bang klaseng tao ang palaging nakahubad?

"This is wild. What year is it?" tanong ng lalaki.

"Bakit ka palagingnakahubad? Nasa presensiya ka ng isang dalagang nirerespeto kaya kung maaari,lalaki, ay magdamit ka." 

___

Don't forget to like, follow, leave a comment. Like my page as well, I will be posting short stories there soon: facebook.com/vanessamanunulat. Thanks.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now