Chapter 18

15.1K 290 7
                                    

Biglang nasamid si Conception. Nababaliw na talaga si Knox!

"Asawa? Ni hindi ka kilala ng lahat, ni walang nakakakilala sa 'yo at bigla kitang ipapakilalang asawa ko. At kapag nalaman mo na kung paano umalis, bigla kang mawawala at maiiwan ako dito."

"Kapag nalaman ko na kung paano makaalis, isasama kita. Anong dahilan para magtagal ka rito?"

Ang anumang sasabihin niya ay naiwan sa kanyang lalamunan. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng lalaki. Bakit nito maiisip na isama ang isang tulad niyang ni hindi nito kilala? Ano ang gagawin niya sa mundo nito? May lulugaran ba siya doon? Pero paano ang hacienda? Ah, sa dami ng problema niya at sa mabilisang solusyon na alok ng lalaki ay bigla tuloy siyang natigilan.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Isipin mo muna kung paano ka makakabalik."

"Hindi ko alam. Ang sinasabi ko lang, mabilis na para sa 'yong iwan ang lugar na 'to. Why would you want to stay here? You don't even have running water, for heaven's sake. How long did it take you to cook this?"

"Hindi ako ang nagluto—"

"Sa panahon ko, may rice cooker na. Hindi mo kailangang magpaapoy ng kahoy para makapagluto."

"Ano ang ginagamit?" Totoong napukaw ang kanyang interes. Bigla, gustong-gusto niyang malaman kung ano ang mayroon sa hinaharap. Alam niyang hindi niya aabutan ang panahon ng lalaki pero gusto niyang malaman kung ano ang mayroon doon.

"Rice cooker, stovetop. Koryente o gas."

"Koryente?"

"It's very complicated. I can explain it to you if you have time."

"Mamaya." Napabuntong-hininga si Concepcion dahil gusto pa niyang makipagkuwentuhan sa lalaki, pero madami siyang kailangang gawin. "Dito ka muna, naiintindihan mo?"

"Sure."

Bumaba na siya at nagpunta sa kusina, laman ng isip kung paano kaya makakapagluto nang walang apoy.

---

Like what you read? Vote, leave a comment, share so others may read it as well. Like my FB page to show support as well: facebook.com/vanessachubby

Thanks!

Beyond TimeWhere stories live. Discover now