Chapter 22

16K 305 12
                                    

Nang maisara ang pinto ay hinarap niya ito. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yong hindi tamang humarap ka sa isang dalaga nang walang saplot na kahit na ano?! Ano ba ang akala mo sa tulad ko?"

"Ilang ulit mo na akong nakitang walang damit."

"Wala akong pakialam!"

"Magagalit din ba ako ganyang sumisilip na rin ang dibdib mo?"

Nanghilakbot si Concepcion nang maunawaang lumuwag ang pagkakatali ng roba at kulang na lang ay lumundag palabas ang kanyang dibdib. Agad niyang kinipkip ang roba, saka nagmamadaling naglakad patungo sa silid. Nakasunod sa kanya ang lalaki.

"Sa kabilang silid ka matutulog, lalaki!" angil niya.

"Why waste the night, my dear?" aniya, nanunukso.

"Hindi ko gusto ang tono mo," aniya kahit hindi ganap na naunawaan ang sinabi ng lalaki. Sayangin ang gabi? Ganoon ba talaga kakapangahas magsalita ang binata? Siguro. Malamang! "Lapastangan! 'Wag kang magsalita sa akin nang ganyan, lalaki!"

"I'm just telling you the truth. Isa pa, kailangan nating gawin ang ilang ulit na rin naman nating ginawa."

Bigla ang pagpihit niya sa lapastangan, nasa gitna sila ng hagdan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Dumating kanina si Danielle. Sinabi niya sa akin kung paano ako makakabalik sa panahon ko at kung paano mo rin magagamit ang relo."

"Paano?"

Seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki nang sabihin, "Kailangang may mangyari sa atin."

Hindi naintindihan ni Concepcion ang lahat. "Mangyaring ano?"

"Maybe I can show you?"

"Sige."

"Maybe in your room?"

"Sige." Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa silid. Nang maisara niya iyon ay nilapitan niya ang lampara para sindihan, saka hinarap muli ang lalaki. "Mangyaring ano?"

Tumaas ang palad nito sa kanyang pisngi, hinaplos iyon ng hinlalaki. Napasighap na lamang siya nang bumaba ang mga labi ng lalaki sa kanyang mga labi para sa isang halik.

Ang babala sa isip ni Concepcion ay agad na nabura nang malunod siya sa kakaibang sensasyong nadama ng katawan. Tama ang sinabi ng lalaki kanina, ilang ulit na nila iyong ginawa... kahit hindi.

Mahirap ipaliwanag at siguro tanging silang dalawa lamang sa buong mundo ang nakakaalam at makakaunawa. Sa isang banda, napakaespesyal noon, esklusibo lamang para sa kanilang dalawa. Naipikit niya ang mga mata at natutong tumugon sa lalaki. Natuto siyang humalik mula sa panaginip na kasama ito, ngayon ang aktuwal at mas lalo palang mainit. Ayaw na niyang matigil pa ang lahat ng iyon.

Hindi na niya namalayan kung paano bumagsak ang kanyang roba sa sahig, basta't nalaman na lang niyang nasa dibdib na niya ang mainit na palad ng lalaki, nagsasaliksik, mapaghanap.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now