Chapter 29

14.6K 325 12
                                    

Muntikan nang napasigaw si Concepcion, sabay lingon sa pinto. Nakatayo roon at nakangisi ang lalaking buong akala niya ay hindi na niya makikita pang muli. Dali-dali niyang inabot ang kumot at hindi magkandamayaw na iladlad iyon nang maitakip sa katawan, habang ang isang braso ay nakatakip sa hubad na dibdib.

Tumawa ang lalaki. Gusto na itong sugurin ni Concepcion kung hindi lamang siya nakahubad. Ano ang karapatan nito? At bakit hindi maalis-alis sa pagkakatupi ang kanyang kumot?! Kung sana may saplot siya ay puwede siyang tumayo pero ang pagkakaupo niya ay nagkukubli rin ng bahaging iyon sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Tumalikod ka!" singhal niya sa pangahas na lalaki.

"Why would I do that when the view is delectable."

Napabuga siya at kahit hindi pa nakaladlad ang kumot ay itinakip na sa katawan. Kahit paano ay lumapad-lapad na iyon, sapat para maikubli ang dapat ikubli. Hindi nga lang siya makatayo pa rin dahil hindi sapat ang laki ng kumot para itapis niya.

Aminado si Concepcion na hindi siya makapaniwalang bumalik pa ang lalaki. Hindi rin niya alam kung bakit parang hindi ito nagpalit ng estilo ng damit. Ibig bang sabihin ay hindi nabago ang pananamit ng tao?

"Nadalaw ka ulit? Maigi naman. Dahil ang kapal ng mukha mong umalis nang hindi man lang sinasabi sa akin kung paano gamitin ang orasan!" sumbat niya sa lalaki, ayaw man. Hindi siya mahilig manumbat pero tama ba ang ginawa ng lalaking ito na matapos kunin ang lahat sa kanya ay bigla na lang umalis nang hindi nagpapaalam?

"Sinabi ko na sa 'yo kung paano gagana ang orasan." Kumunot ang noo nito.

"Sinungaling. Kung alam ko lang sana, nakaalis na ako dito, nakakuha ng pera sa kung saan, at nagbalik para matubos ang lupain."

"Sino ang nagsabi sa 'yong nakabalik na ako sa panahon ko?" Lalo nang kumunot ang noo ng lalaki.

"'Wag mo akong lokohin. Sinabi mong kapag may nangyari sa atin, makakabalik ka na. Kaya ka nawala, ni hindi nag-abalang ituro man lang sa akin ang lahat!"

Natigilan ang lalaki, saka unti-unting nabura ang kunot ng noon. Ngumiti ito at ang ngiti ay nauwi sa pagtawa. Buong-buo ang tinig ng lalaki, masarap pakinggan ang tawa nito, pero imbes na matuwa ay parang nainsulto si Concepcion dahil para bagang siya ang pinagtatawanan ng lalaki!

"At ano ang nakakatawa, lalaki?" sikmat niya.

"That you thought something happened to us."

Si Concepcion naman ang natigilan. Ano ang ibig-sabihin ni Knox? Na wala pang nangyayari sa kanila? Imposible. Bigla itong nawala. Alangan namang umalis lang ito? Saan ito kukuha ng pera? Walang nawalang kahit na ano sa kanya at hindi rin nabawasan ang perang iniipon niya sa lalagyan sa aparador.

"Ano ang tingin mo sa akin, lalaki, isang mangmang? Para sabihin ko sa 'yo, nakapag-aral ako sa Inglatera at Espanya. Maaaring isa lamang akong babae, pero hindi tulad ng iba ang Papa na hindi pinag-aaral ang anak kung ito ay babae. Huwag mo sana akong itulad sa iba—"

"If you're smart, how come you thought that something happened to us?" nakangisi pa rin ito, tonong hindi naman nang-iinsulto kundi nanunudyo. "Oh, honey, you're so cute. You really thought something happened to us?" Tumawa ito.

Biglang nag-init ang kanyang mukha nang maunawaan ang ibig-sabihin ng lalaki. Hindi ba at kinuwestiyon din niya kung totoo nga bang hindi na siya birhen? Hindi ba at nagtaka siya dahil hindi masakit at walang dugo? Iyon ang pagkakaalam niya, na ang babae ay mag-iiwan ng mantsa sa kubrekama at masasaktan. Bigla tuloy siyang nagduda sa sarili.

"May nangyari sa atin," aniya pero hindi na ganoon kasigurado.

"Maybe, but it was not the real deal. At least not traditionally."

"Kung ganoon paano mo nagawang umalis?"

"Dahil may mga paa ako."

"Huwag mo akong lokohin. Wala kang kahit na ano."

"As a matter of fact, I do have gold."

"Ginto? Paano ka nakakuha ng ginto?"

"An angel gave me gold."

"Si Danielle!" aniya nang maunawaan ang lahat. "At hindi mo man lang sinabi sa akin! Baka para sa ating dalawa ang ginto!"

"What?"

Bigla siyang napahiya pero itinaas ang mukha. "Ako ang una niyang nakilala, hindi ikaw. Ako ang una niyang nakita nang bumalik siya sa taong ito. Bakit hindi mo nabanggit na binigyan ka niya ng ginto noon?"

"Dahil hindi ko na kailangan pang sabihin sa 'yo. She gave it to me, not to you. I will never steal what's yours. But don't worry, I might help you out. Might. I was ready to help you out but you pissed me off."

Umirap siya. "Puwede bang lumabas ka muna?"

"Why? The view here is perfectly fine."

"Knox, huwag mong ubusin ang pasensiya ko—"

"I was just kidding, for fuck's sake."

May mga pagkakataong hindi niya masyadong naiintindihan ang sinasabi ng lalaki, pero naiisip niyang dahil lang siguro marami itong salitang ginagamit sa panahon nito na hindi pa ginagamit sa panahon niya.

Lumabas na ng silid ang lalaki at agad na nagpalit ng damit si Concepcion, matapos mabilisang magpunas.

Naabutan niya sa kusina si Knox, kinakain ang natirang tinapay at itlog. Lumingon ito sa kanya.

"I hope you don't mind. I was hungry. I still can't believe people used to live like this. It takes that long to travel such a short distance. What a waste of time."

Naupo siya sa tapat ng lalaki. "Ang sabi mo tutulungan mo ako?"

"Yes, of course. But I need to go back to my time. I'm sorry, honey. Ayokong ilagay ka sa posisyon kung saan kailangan mong mamili, pero kailangan ko ring bumalik sa pinagmulan ko. Sana maintindihan mo."

Pero noong nakaraan, handa na akong ibigay sa 'yo ang lahat. Hindi mo pala kinuha. Akala ko nakuha mo na. At ngayon, sinasabi mo sa akin na gusto mong kunin ang bagay na noon ko pa ibinibigay sa iyo. Ano ang sasabihin ko?

"Sa totoo lang, Knox, bakit ako maniniwala sa 'yo?"

"I will never lie just to get a woman to bed," anito sa tonong tila bagot na bagot.

Napundi siya. "Kung gusto mong malaman ang sagot, puwes, hindi puwede. Ayoko. Hindi tayo kasal at hindi ko ipinamimigay ang aking dangal."

"I will marry you, then."

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now