Chapter 25

15.4K 272 3
                                    


HINDI na nakatiis si Concepcion dahil nadala siya sa labis na emosyon. Ang karamihan sa mga emosyon sa puso niya ay noon lamang niya nadama at hindi niya kilala. Sinugod niya ang lalaking nagawa pang insultuhin siya at nakapuwesto sa kanyang kama. Hindi man lang nito naisip na kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na ito ngayon. Kung noong unang gabing naligaw ito sa bahay niya ay isinuko niya ito sa grupo nina Esteban, malamang na isa nang bangkay ang lalaking mayabang.

Alam niyang galing ito sa hinaharap at malamang na kakaibang sadya ang paniniwala ng mga ito pero ang samantalahin ang kanyang kahinaan ay hindi niya matanggap. Hindi niya rin matanggap ang kakaibang kapangyarihan ng lalaki sa kanya. Bakit hindi niya ito magawang tanggihan? Kung hindi pa mayroong naghabulang pusa sa kanyang bubong, malamang na naisuko na niya nang buong-buo ang sarili sa lalaki. Ano na lamang ang sasabihin ni Esteban?

Sinampal niya si Knox nang masugod niya ito. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at pinigilan siyang makapalag.

"The heck is wrong with you, woman?" anito, pumihit na dala siya, dahilan para mapunta siya sa ibabaw nito.

Sa kasamaang palad ay bumuka na ang kanyang roba at nadarama niya ang katawan nito sa kanyang bandang puwitan. Imbes na magwala ay may kung anong sensasyong dulot iyon sa kanya. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam at naaalala ang init na pinagsaluhan nila ng lalaki kanina. May ginawa ito sa kanya, mga bagay na hindi niya alam na puwedeng mangyari. Dahil kahit sa bastos na babasahin niyang nakita ay hindi naman iyon masyadong naipaliwanag. Ganoon pala ang pakiramdam, nakakabaliw. Nabaliw siya, nakalimot sa sarili. At hindi na iyon dapat na maulit pa... Kahit pa nga napaungol siya nang madama ang mainit na palad ng lalaki sa kanyang dibdib, pumipisil, dumadama, pinapaikot ang palad sa rurok niyon.

Napasinghap siya nang madama ang kamay ng lalaki sa pagitan ng kanyang hita. Sa isang banda ay alam niyang kailangan niyang lumayo, pero sa kabila naman ay parang kailangan niyang madama ang lahat ng iyon. Kusang bumuka ang kanyang mga hita para tanggapin ang mapagsaliksik na daliri ng lalaki.

Nakagat niya ang mga labi nang magsimulang padaanin ng lalaki ang daliri sa sensitibong bahagi sa pagitan ng kanyang hita. Kusang lumabas ang mga anas mula sa kayang mga labi. Napasinghap siya nang madama ang isang banyagang bagay sa pagitan ng hita. Bahagya siyang lumingon para makitang iyon ang sensitibong bahagi ni Knox... Ah, parang hindi iyon bagay tawaging sensitibong bahagi dahil malayo iyon sa pagiging mukhang sensitibo, kundi parang isang mandirigma.

Gusto niyang mapangiti sa ideya—isang mandirigma, sa pagitan ng kanyang hita. Hawak iyon ni Knox, gamit upang tuksuhin siya. Siguro ay naunawaan niyang mas nakakahiya kung magwawala siyang muli. Bukod doon, gusto niyang muling madama ang nadama kanina, ang parang pagsabog sa kanyang katawan.

Muli niyang nadama ang daliri ni Knox na pinaligaya siya. Biglang-bigla ay may sumambulat na nakababaliw na sensasyon sa kanyang katawan.

"Honey, you're so ready forme," bulong ni Knox sa kanyang tainga.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon