Chapter 28

15.1K 315 22
                                    

PINAGMAMASDAN ni Concepcion ang sarili sa salamin. Suot niya ay pangsimbang baro't saya. Sa kanyang ina ang baro, mismong ito at ang nagburda ng maselang mga bulaklak sa palibot niyon. Galing siya kanina sa kabilang bayan, umaasang makakahiram ng kaunting pera sa kaibigan ng ama. Nabalitaan niyang bagong dating iyon mula sa Maynila, isang negosyante. Sa totoo lang, bago ang lahat ng ito ay hinding-hindi niya naranasan ang mangutang sa ibang tao, pero mula nang dumating si Damian ay napilitan na siya.

Nakaiyak na siya habang pabalik ng hacienda dahil hindi siya pinautang ng kaibigan ng ama, kundi inabutan lang ng maliit na halaga, kasabay ng pagsasabing sana raw ay huli na iyon.

Gusto sana niyang isumbat sa lalaki na noong unang panahon ay ang kanyang ama lang ang nagpautang dito nang tumanggi ang lahat dahil nalagay din sa alanganin ang kabuhayan ng pamilya. Pero sa halip ay nagtimpi na lamang siya. Ganoon sigurong talaga ang mga tao, mabilis makalimot.

Ang kaunting perang ibinigay ng lalaki ay katumbas lang ng sahod ng isang tauhan sa hacienda. Para doon ay nagbihis pa siyang maigi, ginamit ang damit ng kanyang ina nang sa gayon ay magmukha siyang may maibabayad sa utang at hindi dukhang-dukha, kung ano ang totoong siya sa kasalukluyan.

Sawa na siyang umiyak. Hindi na siya iiyak.

Marahan niyang hinubad ang damit sa harap ng salamin. Tinitigan niya ang sarili sa ganoong kalagayan, wala ni anumang saplot. Aminado siyang kung minsan ay naiisip na niyang magtrabaho sa bahay na pula, magbenta ng katawan. Balita niya ay malaki ang kita doon kapag nakakita ng isang mayamang suki. Pero kung magbebenta na rin lang siya ng dangal ay bakit doon pa? Bakit hindi na lang sa lalaking noon pa nag-aalok? Bakit hindi na lang kay Damian?

Ah, hindi siguro darating kailanman ang pagkakataong isusuko niya ang lahat sa lalaking iyon. At oo, siguro mas pipiliin pa niyang magtrabaho bilang isang puta kaysa ang pakasalan si Damian dahil sa ginawa nitong panlalaman sa kanilang mag-ama. Isa itong ahas at hindi kailanman dapat makuha ang gusto.

Pinasayad niya ang kamay sa leeg, pababa sa kanyang dibdib. Isang lalaki lamang ang nakatuklas sa bahaging iyon ng kanyang katawan, isang lalaking nang makuha ang gusto ay naglaho na lamang na parang bula nang hindi man lang nag-abalang ituro sa kanya kung paano gamitin ang orasan. Walang-hiya. Hindi niya alam kung bakit puro walang-hiya ang nakapaligid sa kanya.

Pinadaan niya ang kamay, banayad na banayad, sa rurok ng kanyang dibdib. Mainit na ang kanyang pakiramdam sa sandaling iyon. Gusto niyang muling maramdaman ang lahat ng ipinadama sa kanya ni Knox. Pumihit siya at naupo sa kama, nakaharap pa rin sa malaking salamin.

Ipinatong niya ang isang talampakan sa kutson, habang ang isang paa ay sumasayad sa sahig. Mayroong kung anong kahalayan ang puwesto niya, masyadong lantad, pero hindi niya maalis ang mga mata sa salamin. Ito ang nakita ni Knox noon, gusto niyang malaman kung maganda.

Hindi niya alam. Dahil niya alam kung anong klaseng mga babae ang nasa hinaharap. May pagbabago ba? Siguro. Masyadong matangkad ang lalaki kahit pa sa isang mestizo. Ano na ba ang pamantayan ng kagandahan sa panahong iyon?

Napakagat siya sa labi nang maging pilya ang isipin habang nakatingin sa sariling kahubdan. Marahang bumaba ang kanyang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita at ginawa ang ginawa ni Knox sa kanya. Napaungol siya sa pagdagsa ng sensasyon sa katawan mula sa paghaplos ng kanyang daliri.

Itinukod niya sa kutson ang isang siko, habang ang isang kamay ay patuloy sa pagkilala sa pagitan ng kanyang mga hita. Habang nakapikit ang mga mata ay pinalaya niya ang lahat ng alaala ng naganap sa kanila ni Knox. Halos hindi siya makapaniwala na ngayon lang niya naisipang kilalanin at tuklasin ang sariling katawan.

Isang anas ang kumawala mula sa kanyang mga labi habang patuloy sa pagtuklas ang kanyang kamay.

"Well, I guess I don't mind waiting if this is the reason why but I can help you out."

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Beyond TimeWhere stories live. Discover now