Chapter 1

3.2K 117 72
                                    

Chapter 1

NAKADE-quatro habang nakaupo si Eleven nang umagang iyon saktong 9:00 am sa terasa ng kanilang bahay.

Tanging siya at si Sean lamang ang naiwan sa bahay na iyon dahil anniversary ng mama niya at step father. Kagabi pa umalis ang mga ito at sobrang ikinatuwa niya naman iyon upang masolo niya ang atensiyon ni Sean.

"Good morning, handsome." Nagpa cute pa siya kay Sean na kasalukuyang nakahawak ito ng coffee mug.

Nakiupo ito malapit lamang sa kanyang inuupuan.

"Morning," maikling sagot nito.

Kahit napakaikli ng sagot nito sakanya ay lubos na niya iyong ikinasisiya.

Naka sando lamang ito at walking short. Magulo din ang buhok nito gawa ng kagigising lang. Kahit na ganoon ay litaw na litaw pa rin ang ka-gwapuhan nito.

Hindi ito palakibo at matipid ding magsalita. Kung hindi mo pa tatanungin ay hindi ito magsasalita. Kaya't noong mga teenager pa sila'y sobrang kinaiinisan niya ito. Paano'y halos maghapon itong hindi nagsasalita noon.

Pag may ipinag-uutus pa siya ay tumatango lamang ito.

Kaya madalas pinagsusungitan niya ito. Maayos naman ang pakikitungo nito noon sakanya at sadyang siya lamang talaga ang masungit.

Lumala noon ang dislike niya rito na nauwi sa hatred, nang laging ikumpara siya ng kanyang ina rito. Kesyo ito daw ay matalino, mabait, masunurin at higit sa lahat kahit inaaway mo na hindi pa rin pumapatol.

Di niya mapigilang dumaloy ang alaala niya noong kabataan palang nila.

Kasalukuyang nagwawalis si El sa malawak na bakuran nila sa likod bahay. Habang si Sean naman ang nag-iigib ng tubig at pinupuno nito ang dalawang malalaking drums.

Kanya-kanya sila ng trabaho araw-araw.

Ang kanyang magulang nama'y nagtungo sa palengke upang mamalengke ng pang isang lingguhang kakainin. Gulpihan ang mga ito kapag bumibili.

Halos patapos na si El sa pagwawalis. Nilapitan niya si Sean na abalang nagbobomba sa poso.

"Huy, ano nanaman 'yung ipinagmamalaki ng mama ko sa'yo at ganun siya kasaya kahapon? Magsalita ka kung hindi wawalisin ko iyang mukha mo," pagtataray niya rito.

Kita niya ang pagkabigla nito at halos mapatigil sa pagbobomba.

Buwisit kang half-half ka...Parang bakla
Aniya niya sa isip.

"Ano?! Magsalita ka," inis na siniko pa niya ito ng hindi ito nagsalita.

"Yesterday at school. Naka received ako ng award," mabilis na sagot nito ng akmang aambahan niya ito ng suntok sa mukha.

"Kaya pala ikinukumpara ka nanaman ng mama sa akin, eh!"

Hindi na ito muling nagsalita. Itinuloy nito ang pagbobomba. Nainis naman siya ng dahil doon. Kaya inihambalos niya ang walis sa mga kamay nito.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now